Humingi ng paumanhin si Kolette Madelo sa Pinoy Pop girl group na BINI.
Sa isang Facebook post na inupload ng Pinoy Big Brother (PBB) Gen 11, 3rd placer na si Nyckolette Madelo sa kaniyang account noong Huwebes, Agosto 14, isinapubliko niya ang paghingi ng dispensa sa Ppop group na BINI.
“Hello Blooms, I just wanted to say sorry for reacting and engaging to a certain post about Bini. I understand its a serious topic and I should have been more thoughtful & sensitive,” aniya.
Dagdag pa niya na handa niyang panagutan ang pangyayari at humingi ng pasensya kahit sa personal sa kung sinoman ang maaaring naapektuhan nito.
“I want to take full accountability and personally apologize to those who might have been offended.”
Hiniling naman ng PBB ex-housemate sa mga tagasuporta nitong Moonies na huwag nang palawakin pa ang galit sa iba para lang ipagtanggol ito.
“Moonies, I hope you don’t engage in hate train in my defense, gagamitin ko ito as a lesson. I will do my best to be better,” pagtatapos nito.
Nakita kasi ng netizens ang pag-haha react nito sa post ni Xian Gaza na pinatatamaan umano ang isang miyembro ng BINI.
“SIKSIKAN... SOBRANG SIKIP... kabaligtaran nung isang member ng BINI,” saad ni Gaza sa caption ng ni-share nitong uploaded video niya noon pang Hulyo.
Samantala, wala namang inilabas na pahayag ang BINI kaugnay sa usaping ito.
Nauna na rin naiulat na magsasampa umano ng kaso ang girl group sa hindi pinangalanang indibidwal.
KAUGNAY NA BALITA: Sinetch itey? P-pop group BINI, may sasampahan ng kaso!
Ayon sa Instagram story na ibinahagi ni Attorney Josabeth “Joji” Alonso, isang filmmaker at celebrity lawyer, ang dokumento na kalakip mga tunay na pangalan ng miyembro ng nasabing girl group na sina Gweneth Apuli, Maraiah Queen Arceta, Sheena Mae Catacutan, Mikhaela Janna Jimnea Lim, Mary Loi Yves Ricalde, Jhoanna Cristine Robles, Stacey Aubrey Sevejilia, at Ma. Nicolette Vergara.
Mc Vincent Mirabuna/Balita