December 13, 2025

Home BALITA

Nadia Montenegro, pinag-leave of absence

Nadia Montenegro, pinag-leave of absence
Nadia Montenegro/FB

Kasalukuyang naka-leave of absence si Nadia Montenegro, ayon sa tanggapan ni Senador Robin Padilla, nitong Biyernes, Agosto 15.

Sa isang opisyal na pahayag ng tanggapan ni Padilla, inanunsyo ang leave of absence ni Montenegro matapos pumutok ang balita tungkol sa isang staff na diumano'y nagma-marijuana sa loob ng palikuran sa Senado. 

"On August 13, 2025, even before the investigation conducted by the Office of the Sergeant-at-Arms (OSAA), the Office commenced an initial internal investigation regarding media reports allegedly linking Ms. Nadia Montenegro. On the same day, she was directed to take a leave of absence, effective immediately," nakasaad sa pahayag.

Sa parehong araw, binigyan umano si Montenegro ng limang araw (hanggang Agosto 18), na magsumite ng "written explanation" patungkol sa dalawang news articles na inilabas ng dalawang news outlet, upang magkaroon umano ito ng oportunidad na ma-address at linawin ang isyu.

National

Sen. Bato at iba pa, 'di sumipot sa bicam conference committee meeting para sa 2026 nat’l budget

Samantala, binigyan din si Montenegro ng limang araw simula noong Agosto 14 hanggang Agosto 19 para isumite naman ang kaniyang paliwanag sa incident report mula sa OSAA. 

"The Office shall take the appropriate action upon review and evaluation of her submission," ayon pa sa pahayag.

Si Montenegro ay isang political officer sa tanggapan ni Padilla. 

Matatandaang base sa internal incident report ng isang tauhan ng Office of the Sergeant-at-Arms (OSAA), may nakaamoy umano ng kakaibang amoy mula sa comfort room ng mga babae na malapit sa extension offices ng mga senador.

At ang tanging tao lamang daw umano doon noong oras na 'yon ay si Montenegro. 

Gayunman, inilagad din ng naturang tauhan ng OSAA na itinanggi raw ni Montenegro ang insidente ngunit meron daw umano itong vape sa kaniyang bag.

MAKI-BALITA: Vape lang? Nadia Montenegro, itinangging gumagamit ng marijuana sa Senado