Matapat na ibinahagi ng aktres na si Liza ang mga natatandaan niyang karanasan mula sa nag-alaga sa kaniya noong bata pa ito.
Sa serye na inilabas ng isang podcast-cinema-documentary na ‘Can I Come In?’ noong gabi ng Huwebes, Agosto 14, 2025, ibinida nito ang kuwento ng American at Filipino actress na si Liza Soberano na ngayon lang niya ibinahagi sa publiko.
Isa sa mga kinuwento ni Liza ay ang pagiging mistula umano niyang ‘family dog’ sa pamilya ni Melissa, best friend na maituturing ng kaniyang ina noong hayskul, na siyang nag-alaga sa kaniya at kapatid nito noon.
“They would like to have family movie nights once a week or something and I was the only one that wasn’t allowed to participate in family movie nights,” emosyunal na pagbabahagi ng aktres.
Tinawag niya ang sarili na “family dog” dahil nagagawa raw mismo ng mga nag-alaga sa kaniya na tawagin siyang ganito.
“[B]ecause I was the family dog, so they would literally call me the family dog. I would have to sit in a big cardboard box behind the sofa. And I actually would just sit there like a dog,” pagbabahagi ni Liza.
Bukod pa rito, naibahagi rin ng aktres na marami pa at hindi lang ito ang naranasan niya noon at ng kaniyang kapatid sa kanilang tinutuluyan.
Pagkukuwento niya, may pagkakataon daw na birthday ng anak ni Melissa at pinili na lang nilang magkapatid na manatili sa loob ng kuwarto ngunit inanyayahan sila ng bata at mga kaibigan nito.
Ngunit kalaunan ay pinagbabato ang magkapatid ng cupcakes.
Binigyan niya rin ng paliwanag kung bakit nagkaroon siya ng trauma sa meat balls.
Kumakain raw umano siya noon ng spaghetti at aksidente itong nabulunan ngunit hindi siya tinulungan ng babaeng pinangalanan niyang Melissa.
May isang pagkakataon pa raw na pinaglilinis siya ng dumi ng aso sa sahig ngunit gusto ni Melissa na gamitin ng batang aktres ang kaniyang dila.
Ibinahagi niya rin na naranasan niyang magutom at hindi kumain sa loob ng tatlong araw.
Mabuti na lamang daw at napansin ng social worker ang mga galos at ebidensya ng pangmamaltrato sa katawan nito noong minsang bumisita ito sa bahay na kanilang tinitirahan at nasagip sila ng mga ito.
Mc Vincent Mirabuna/Balita