December 13, 2025

Home BALITA

Kitty Duterte, nagpasalamat sa mga patuloy na sumusuporta sa kanilang pamilya

Kitty Duterte, nagpasalamat sa mga patuloy na sumusuporta sa kanilang pamilya
Photo courtesy: Alvin & Tourism, Veronica Duterte (FB Screenshot)

Nagpasalamat ang anak ni dating pangulong Rodrigo Duterte na si Veronica “Kitty” Duterte sa kanilang mga tagasuporta sa pagbisita nito sa The Hague, Netherlands noong Huwebes, Agosto 14. 

Sa Facebook page ng Alvin & Tourism, makikitang masugid na sinalubong ng ilang Duterte supporters si Kitty at nakipagkumustahan pa rito sa tinawag na “Duterte Street” sa Netherlands para bisitahin ang ama. 

“To all the supporters, I would like to thank you and express my gratitude sa patuloy niyong pagsubaybay. And ayon, just for showing up everytime, salamat sa inyo, God bless you and mabuhay kayong lahat,” saad nito sa video. 

Sa kaugnay na balita, sa pinaunlakang panayam nito sa nasabing social media page noong Miyerkules, Agosto 13, ibinahagi ni Kitty na nasa mas maayos na kondisyon na ang ama kumpara noong unang mga araw nito sa International Criminal Court (ICC) detention facility noong Marso. 

Sen. Bato, masayang nakita ang apo

At sa pagbisitang ito, sinabi niyang “very light” ang pagbisita niya dahil sa biruan at tawanan nila ng dating pangulo. 

Matatandaang nananatili sa kustodiya ng ICC si dating Pangulong Duterte na nahaharap sa reklamong crimes against humanity kaugnay ng kaniyang naging madugong kampanya kontra ilegal na droga.

KAUGNAY NA BALITA: TIMELINE: Mula pag-implementa ng drug war, pag-imbestiga ng ICC, hanggang pag-aresto kay FPRRD

Sean Antonio/BALITA