December 21, 2025

Home FEATURES Human-Interest

KILALANIN: 12-anyos na babae sa Cebu, nakapag-publish ng sariling libro

KILALANIN: 12-anyos na babae sa Cebu, nakapag-publish ng sariling libro
Photo courtesy: Percy Geraldizo

Inilabas kamakailan ng 12-anyos na bata mula sa Cebu ang kaniyang debut fantasy novel na “Classmania Dragon War.”

Pinatunayan ni Isa Geraldizo na ang pag-abot sa pangarap ay walang kinikilalang edad sa pamamagitan ng kaniyang determinasyon sa pagsulat at opisyal na paglabas ng kaniyang kauna-unahang libro sa murang edad nito lamang Hulyo.

Sa eksklusibong panayam ng Balita kay Isa, kasama ang kaniyang ina na si Percy Geraldizo, ibinahagi nito ang mga inspirasyon at istorya sa likod ng librong Classmania Dragon War. 

“When I was six years old, I wanted to write my very first book,” pagbabahagi ni Isa nang tanungin kung ilang taon siya nang unang mapukaw ang interes sa pagsulat. 

Human-Interest

ALAMIN: ‘Required’ ba na magbigay ng 13th Month Pay ang mga kompanya tuwing Holiday Season?

Paborito rin daw nito ang mga aklat at pelikulang nasa mystery genre, tulad ng Wings of Fire ni Tui T. Sutherland, Nancy Drew Diaries ni Carolyn Keene, Jurassic Park/Jurassic World, at Raya and the Last Dragon, na naging inspirasyon din sa likod ng kaniyang nobela.

Ayon kay Isa, ang pagsusulat ay isang bagay na kaya niyang gawin halos kahit saan, pati na rin ang pagkuha ng mga ideya, konsepto, at inspirasyon, ngunit kahit na ganoon, hindi pa rin naging madali ang proseso ng pagsusulat ng kaniyang libro. 

“The process of writing my book was tough. In the afternoon I did my lessons, and when I finished, I tried to get my weekly 1,500 words in. Sometimes I didn’t hit that goal, others I hit it in only a couple of days,” kuwento nito sa pagbabalanse ng kaniyang schedule bilang isang homeschooled na estudyante at bilang isang manunulat. 

Pero para naman sa ina na si Percy, patuloy nilang sinuportahan ang anak sa buong proseso nito.

“We constantly encouraged her to focus on her writing and get inspiration from other books. We let her read 1-2 chapters a day from any material. On days that she doesn't feel like writing, we just let her be but we still remind her of the deadlines and keep on encouraging her,” saad ni Percy.  

Nagbigay din ng mensahe ang mag-ina para sa mga batang nangangarap na maglabas ng kanilang sarili gawa sa mundo. 

“My message to children around the world that have dreams that seem impossible to reach:“Don’t stop dreaming. Just keep going and eventually the Lord God will get you there,” saad ni Isa. 

Ayon naman kay Percy, “For children of Isa's age, just keep on achieving your dreams. You are still young and the world has a lot to offer for you. Do not be consumed with your gadgets, go out there and find something to do. Write, sing, dance or even just play outside. Like Isa, always be respectful to everyone and always pray.” 

Sean Antonio/BALITA