Masayang ibinahagi ni Heart Evangelista sa online world ang kaniyang bagong endorsement.
Ayon sa Facebook post ng Kapuso star at fashion socialite na si Heart nitong Biyernes, Agosto 15, sinaad niyang isa na namang pangarap ang kaniyang natupad.
“Another dream come true. Little Heart, this one’s for you,” panimula niya sa kaniyang caption.
Makikita rin sa post ang tila behind the scene photos ng advertisement ni Heart sa loob ng sikat na fast-food chain na McDonalds o McDo.
Nagawa rin niyang magpasalamat sa nasabing fast-food chain.
“I can’t even put into words how much love and gratitude I feel right now. @mcdo_ph , thank you for all the love you’ve given me, I can’t wait to share that with everyone,” aniya.
“The best dreams are the ones we get to pay forward,” dagdag pa niya.
Matatandaang pinanawagan umano ng mga Duterte supporters na i-boycott lahat ng brand na ineendorso ni Vice Ganda, partikular ang nabanggit na fast food chain dahil sa naging joke nito sa concert niya kamakailan.
Nabanggit kasi niya ang "The Hague" at "ICC" at nagwakas pa sa isang paggaya sa dating Pangulo sa pamamagitan ng malutong na pagmumura niya, na labis na ikinatawa at ikinapalakpak ng live audience.
KAUGNAY NA BALITA: Vice Ganda, binanatan ng Duterte supporters dahil sa paandar sa concert
Samantala, wala pang pahayag si Vice Ganda kaugnay sa bagong endorser ng McDo.
Ganoon din ang fast food chain kung tuluyan na nilang inetsapwera ang komedyante.
Mc Vincent Mirabuna/Balita