Tiniyak ni election lawyer Atty. Romulo Macalintal na 101 porsiyento umano ang paghahain niya ng petisyon laban sa pagkaantala ng 2025 Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).
Matatandaang pinirmahan na ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. noong Agosto 13 ang batas na nagmamandatong ibinbin ang BSKE sa Nobyembre 2026.
Ngunit sa panayam kay Macalintal sa radio program nina DJ Chacha at Ted Failon nitong Biyernes, Agosto 15, sinabi niyang may panlilinlang umano sa likod ng postponement na ito.
“101% sure…na talagang ito ay aking isasampa [sa Supreme Court] sapagkat talagang kahit basahin mo ‘yang batas na ‘yan, talagang may deception. May panlilinlang,” saad ni Macalintal.
Dagdag pa niya, “Ang mga balita…puro-postponement-postponement ang sinasabi. Pero basahin n’yo ang batas, hindi nakalagay ang word [na] ‘postponement.’
Gayunman, tiniyak pa rin ni Commission on Elections (Comelec) Chairman George Erwin Garcia na itutuloy pa rin umano ng poll body ang pagdaraos ng voter registration sa Oktubre para sa BSKE.
MAKI-BALITA: Voter registration para sa BSKE polls, tuloy pa rin sa Oktubre!