December 15, 2025

Home BALITA National

CHED, nababahala sa dumaraming college graduate na walang trabaho

CHED, nababahala sa dumaraming college graduate na walang trabaho
Photo Courtesy: via MB

Nadagdagan umanong lalo ang bilang ng mga estudyante nagtapos sa kolehiyo na walang trabaho ayon sa Commission on Higher Education (CHED).

Batay sa June 2025 Labor Force Survey ng Department of Labor and Employment (DOLE) na inilatag ni CHED Chairperson Shirley Agrupis, makikitang mula 35.6% noong Disyembre 2024 ay 2.6-percentage-point ang itinaas ng mga college graduate na walang trabaho.

“This troubling increase reveals that our most educated citizens—those who have invested significant time and resources into higher education—are encountering growing difficulties in finding employment,” saad ni Agrupis.

Mula sa 25,876 aplikanteng sa job fairs na isinagawa ng DOLE noong Enero 2025, tinatayang 3,364 lang ang natanggap.

National

'Nandito si Mama, naghihintay sa 'yo!' Nanay ng nawawalang bride-to-be, nanawagang maibalik nang maayos ang anak

At karamihan umano sa mga aplikanteng natanggap ay napunta sa low-skilled na trabahong hindi kinakailangan ng college degree.

Bukod sa unemployment, isyu rin umano sa mga college graduate ang hindi pagkakatugma ng kanilang kasanayan mula sa kursong tinapos sa trabahong napapasukan nila.