December 15, 2025

Home BALITA National

Cardinal Ambo, pinuri BSP sa pag-unlink ng online gambling sa e-wallets

Cardinal Ambo, pinuri BSP sa pag-unlink ng online gambling sa e-wallets
Photo Courtesy: CBCB, via MB

Nagbigay ng reaksiyon si Cardinal Pablo “Ambo” David kaugnay sa ipinag-utos ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na tanggalin ang koneksiyon ng e-wallets sa online gambling.

Sa latest Facebook post ni Cardinal Ambo nitong Biyernes, Agosto 15, pinuri niya ang matapang na hakbang na ito ng BSP.

“Kudos to BSP for this bold move! This is definitely A GOOD START, BUT…NOT YET GOOD ENOUGH,” saad ni Cardinal Ambo.

Dagdag pa niya, “TOTAL BAN, NOT JUST REGULATION.”

National

'Nandito si Mama, naghihintay sa 'yo!' Nanay ng nawawalang bride-to-be, nanawagang maibalik nang maayos ang anak

Giit ng cardinal, malinaw umanong lumalabag ang online gambling sa nakasaad sa Section 10 ng Republic Act 9487.

Ayon sa seksyong ito, ipinagbabawal ang slot machines at iba pang kagamitang pansugal sa mga lugar na bukas sa publiko maliban na lang kung nasa three-star hotels o accredited resorts na may tamang permit.

Matatandaang nauna nang naghayag ng pagtutol si Cardinal Ambo sa pag-iral ng online gambling sa bansa sa ginanap na Philippine Conference on New Evangelization (PCNE) XI noong Hulyo.

“I do not agree that you can regulate something criminal. It is criminal through and through,” anang cardinal.

MAKI-BALITA: Cardinal Ambo, ‘di kumbinsido sa regulasyong ipapatupad sa online sugal