January 08, 2026

Home FEATURES Human-Interest

#BalitaExclusives: ‘Biyaheng sakses!’ Dating tricycle driver, CPA na ngayon

#BalitaExclusives: ‘Biyaheng sakses!’ Dating tricycle driver, CPA na ngayon
Photo courtesy: RR-Jefferson Dimla (FB), Pexels

Hindi man naging madali ang biyaheng tagumpay, umarangkada sa sipag at dedikasyon ang isang dating tricycle driver upang marating niya ang kaniyang kinalalagyan ngayon.

Mula sa pagiging tricycle driver, Certified Public Accountant na siya ngayon!

Pinag-usapan at umani ng reaksyon at komento ang inspiring story ni Jefferson Dimla, 36 taong gulang, nang ibahagi niya sa Facebook group na “Accounting Positions Hiring - Philippines” ang kaniyang mga pinagdaanan tungo sa pagiging ganap na CPA.

Sa eksklusibong panayam ng Balita kay Dimla, inamin niyang marami siyang pinagdaanan simula bata pa lamang bago niya maabot ang inaasam na tagumpay.

Human-Interest

'Hangga't buhay, may pag-asa!' 59-anyos na lalaki, pumasa sa Bar Exams matapos 11th attempt

“Actually, nag-start ‘yong journey ko when I was in grade 1 pa lang kasi. So mayroon kaming maliit na farm before, parang lupa lang may sampaguita. Then 4:00 am  pa lang kasi, ‘yong father ko kasi ginigising niya na ako. So everyday ‘yan papasok ako. So gagawin ko, didiligan ko ‘yong sampaguita. So walang jetmatic, walang nawasa noon, poso lang siya. At 4:00 am, grade 1 ako noon. So that time, parang feeling ko parang masama loob ng tatay ko sa akin,” ani Dimla.

“So lagi niya sinasabi sa akin na ‘pag ang taong tamad, sabi niya walang pupuntahan. So parang since then nasanay ako roon sa tipong ayaw niya nang wala akong ginagawa,” aniya. Inilahad pa niya ang kaniyang mga karanasan na iba sa nararanasan ng tipikal na bata noong mga panahong iyon. “So parang nasanay ako roon sa trabaho at young age parang bakit ganito, bakit ganito ‘yong pinaparanas niya. Pero lagi ko narinig sa kanya that time kasi sabi niya walang pupuntahan ‘yong taong tamad. So from that point pa lang, talagang nasanay na ako roon sa hindi ako ‘yong tulad ng ibang mga bata na naglalaro, nanonood ng TV,” pahayag niya.

“So lagi niya sinasabi sa akin na ‘pag ang taong tamad, sabi niya walang pupuntahan. So parang since then nasanay ako roon sa tipong ayaw niya nang wala akong ginagawa,” aniya.

Inilahad pa niya ang kaniyang mga karanasan na iba sa nararanasan ng tipikal na bata noong mga panahong iyon.

“So parang nasanay ako roon sa trabaho at young age parang bakit ganito, bakit ganito ‘yong pinaparanas niya. Pero lagi ko narinig sa kanya that time kasi sabi niya walang pupuntahan ‘yong taong tamad. So from that point pa lang, talagang nasanay na ako roon sa hindi ako ‘yong tulad ng ibang mga bata na naglalaro, nanonood ng TV,” pahayag niya.

“Kasi kahit may TV kami bawal nanonod e. Kasi nanay ko super strict ng nanay ko. I mean she was reallytconcerned sa babayaran sa kuryente. So kahit may TV kami, hindi ako nakakapanood ng TV, walang laruan,” dagdag pa niya.

Ibinahagi rin niyang naging taga bitbit siya ng mga pamalo ng golfer sa loob ng limang taon, kasabay noong siya ay nag-tricycle driver. ‘Yong sa golf, ‘yong taga bitbit ng pamalo ngt golfer. So at young age, at 16 years old that time, nagtrabaho ‘ko roon. So ako ‘yong pinakabata roon,” lahad niya.

Kuwento pa niya, pinagsabay niya ang pagiging tricycle driver at pag-aaral sa kolehiyo.

“So I decided to took Accountancy. Pero noong nag-aaral ako noon kasi, scholar ako noon so wala rin babayarang tuition pa ‘yong tatay ko. Sot that time, namasada na ako habang nag-aaral ako,” anang dating tricycle driver.

“So paglabas ko talaga ng school, diretso ako terminal kahit naka-uniform pa ako. Dala ko ng libro roon, doon ako magbabasa. Kasi iniisip ko that time, sayang ang oras na maghihintay ako ng pasahero, isang oras, kaysa makipagkuwentuhan lang ako roon,” dagdag pa nito.

Mayroon din daw punto sa kaniyang buhay na may mga taong hindi naniwala sa kaniya.

“Nagpapanggap daw ako na parang dala-dala ko libro, ‘di ko naman daw binabasa. So siyempre even kasama ko sila sa terminal, siyempre parang bakit ganito sabi ko, bakit nila sasabihin ‘yon? So ginawa ko na lang silang motivation din. Tapost ‘yon ‘yong sinasabi ng iba wala daw akong pupuntahan,” aniya.

Inilahad niya ring nakiusap lang siya sa dean ng kanilang program nang makakuha siya ng bagsak na marka, dahil sa naisin niyang makatapos at mabawasan ang bigat ng kaniyang pamilya.

“Mayroong time  na bumagsak ako sa isangtsubject. Sa school kasi namin, bawal ‘yong may failing grade. So basically ‘pag may bagsak ako natsubject, lalabas na ako sa program namin. So kailangan ko mag-shift ngtcourse,” ani Dimla. “So ang ginawa ko noon, nakiusap ako sa dean namin. Siguro nakita niya ‘yong dedication at sinceritytna gusto kongtmakapag-taketng board exam."

At nang makapagtapos sa kolehiyo, nag-apply siya bilang crew ngunit hindi siya tinanggap.

“Sabi nila hindi daw ako puwede doon kasi maliit ako. So parang feeling ko na-discriminate ako kasi bakit maliit ako, payat ako.”

“Tapostiyak ako nang iyak pagkauwitko. Sabi ko darating ‘yong time na sabi ko, ayoko na maulitt‘yong ganoon,t‘yong tipong mare-reject ka. Siguro talagangt ‘yong rejection talagang dumating sa akin. It'sta waketup calltna kailangan mong maging malakas. Kasi may mga tao na kapag may pangit angtnangyari sa buhay nila, they will take them negatively,” aniya.

Ngunit upang balansehin ang buhay, nag-enjoy din naman daw siya at hindi puro trabaho at aral ang kaniyang inatupag.

“Kasi hindi ko naman binigayt‘yong buong oras ko sa review, sa pag-aaral. Kasi nakaipon ako ng CD. Dati kasi CD lang, wala namang internet, walang data. Parang uso pa ‘yong CD ng 100 movies in 1 CD. So mayroon kaming maliit na parang player. So ‘yon, ayan ‘yong parang naging balance ko. Ayan ‘yong naging journey ko na talagang sobrang namimiss ko,” kuwento pa nito.

Hirit naman ni Dimla:t“Pero ayoko nang mag-take ulit, baka bumagsak ako.”

Nang makapasa siya sa board exam, marami daw ang nabago sa kaniyang buhay. May mga oportunidad din umanong nagbukas para sa kaniya matapos makuha ang lisensya.

“Basta ‘yong parang naisip kong gustong bilhin na pinapangarap ko dati. Basta makatulong sa communitytin any other way, in any other means. Like ‘yong mga estudyante ko, actually professor din ako part-time din sincet2012 noong pumasa ako. So doon ako nag-start magturo talaga. So they gave me a chance,” aniya.

Nagbigay din siya ng mga payo sa mga indibidwal na nais ding tahakin ang parehong daan na kaniyang tinungo.

“So my advice sa kanila, huwag nilang gawing  lalong mahirap. So anong ibig sabihin doon? They should sacrificettime. Sabi nga doon sa general manager ngtisang basketball teamtsa NBA, sabi niya ‘if youtwant tot get something, you have to give something.’ So if you want to pass the board exam,tyou have to sacrifice,” anang Dimla.

“Kailangang mayroong kaunting  relaxation,thindi puwedeng puro 24 hours nag-aaral ka. Kasi ‘yong ginawa ko lang naman, namamasada ako. Aftertnaming mamasada nag-iinuman kami."

Hindi matatawaran ang determinasyong ipinakita ni Dimla upang maabot niya ang kaniyang mithiin sa buhay. Nawa’y maging inspirasyon ito sa mga taong gusto rin umarangkada tungo sa tagumpay.

Vincent Gutierrez/BALITA