Usap-usapan ngayon ang kumakalat na larawan kung saan makikita ang isang aso na nasa loob ng cart sa isang supermarket.
Nagmula ang nasabing mga larawan sa Reddit na inupload ng user na si GlutandColl noong Lunes, Agosto 11, 2025.
“Pet owners in the Philippines are entitled [...]” saad sa simula ng caption ng reditter kamakailan sa nasabing website.
“They think it will elevate their status treating their pets like this. This may look harmless, but grocery carts are for food, not pets [..]” dismayadong pagpapaliwanag ng user na hindi umano para sa hayop ang isang cart sa supermarket kundi para sa mga pagkaing binibili ng iba pang customer.
Sinabi rin ng redditor na maaaring makaapekto ang ganitong gawain sa pagsusulong ng kalinisan ng mga pagkaing inilalagay sa mga food cart, partikular ng mga sariwang gulay o karne.
“[...] Allowing animals in them can compromise hygiene and food safety, especially for fresh produce,” aniya.
Pinaalala pa niya na kailangang siguraduhin ng pet owners at staffs ng isang mall na panatilihing malinis ang carts na ginagamit ng mga tao.
Sinabihan din ng nasabing user na kung itutuloy ito ng mga pet owners ay baka makarating pa ang kanilang hinaing sa mall admin at pagbawalan ang ganitong uri ng gawain.
Samantala, pumukaw ng atensyon sa netizens ang post na ito ni GlutandColl at nagbahagi rin ng kanilang komento: “They should’ve brought a stroller. Instead na sa cart ilagay. Sobrang disappointed talaga ako sa ibang pet owners.”
“I have nothing against pets, especially dogs at dog-lover ako. Pero please just ban these people. Sorry, that's the only solution. Please ban them. Thanks”
“Enough. This isn't cute anymore. It's unhygienic and a potential health risk. Mahal ko ang mga aso ko pero I say it's time for malls, groceries, and restaurants to start putting restrictions na.”
“P***** i** imaging putting your giniling for your spaghetti only to realize na yung pinaglagyan mo was used by a dog. Fucking gross.”
“Afford nila igala pets nila sa labas at sa mall pa pero stroller ng pets di maka provide? Mga may breed pa dogs nila so siguro naman afford nila yon diba [..]”
“May pambili ng corgi, pero walang pambili ng stroller.”
Walang binanggit na lugar ang uploader kung saang supermaket ang kaniyang post.
Mc Vincent Mirabuna/BALITA