Itinanggi umano ni Nadia Montenegro ang paggamit niya ng marijuana at paninigarilyo sa loob ng Senado.
Si Montenegro ay isa sa mga staff member ni Senador Robin Padilla.
Matatandaang iniimbestigahan ng Seando ang isang ulat na may isang staff si Padilla na nagse-session umano ng marijuana sa loob opisina nito.
BASAHIN: 'Ibang session na?' Senado, iniimbestigahan marijuana session ng staff ni Sen. Robin
Base sa internal incident report ng isang tauhan ng Office of the Sergeant-at-Arms (OSAA), may nakaamoy umano ng kakaibang amoy mula sa comfort room ng mga babae na malapit sa extension offices ng mga senador.
Noong Hulyo 2025, nang makatanggap umano ang naturang tauhan ng OSAA mula sa isang lalaking staff member na nakaamoy ito ng malakas na amoy sa area nila. Ngunit wala raw siyang nakitang tao sa lugar nang i-check niya ito.
Ang sumunod na insidente raw ay nangyari nito lamang Agosto 12, 2025, ayon sa tauhan ng OSAA, nilapitan siya ng isang lalaking staff member ni Senador Lacson at sinabing nakaamoy ito ng kahalintulad ng marijuana sa comfort room ng mga babae.
At ang tanging tao lamang daw umano doon noong oras na 'yon ay si Montenegro.
Saad pa ng tauhan ng OSAA, tinanong daw niya si Montenegro tungkol sa insidente. Itinanggi raw ni Montenegro ang insidente ngunit meron daw umano itong vape sa kaniyang bag.
“Ms. Montenegro denied smoking inside the ladies’ comfort room or using marijuana for that matter, but acknowledged possessing a vape in her bag, which she said could have produced the unusual scent reported earlier by Senator Lacson’s staff,” ayon sa incident report.
Habang isinusulat ito, wala pang opisyal na pahayag si Montenegro kaugnay insidente,