December 14, 2025

Home BALITA

'Sinungaling at manloloko?' Standee nina Sec. Galvez, Lagdameo, pinaulanan ng itlog at kamatis

'Sinungaling at manloloko?' Standee nina Sec. Galvez, Lagdameo, pinaulanan ng itlog at kamatis
Photo courtesy: screengrab contributed video

Pinaulanan ng mga kamatis, itlog, at tsinelas ang standee nina Special Assistant to the President (SAP) Sec. Carlito Galvez, Jr. at SAP Anton Lagdameo sa City Plaza, Cotabato City.

Nangyari ang insidente nitong Huwebes, Agosto 14, 2025 matapos pangunahan ng Civil Society Organization (CSO) ang pagpapakita umano ng kanilang pag-alma sa panghihimasok umano nina Lagdameo at Galvez sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM). 

Sigaw ng nasabing grupo, "sinungaling at manloloko" raw ang sina Lagdameo at Galvez.

Ayon pa sa kanilang panawagan, mismong ang dalawang kalihim daw ang siyang sumisira umano sa implementasyon sa dapat sana'y kasunduan ng gobyerno at Moro Islamic Liberation Front (MILF). 

DPWH sa Senado: 'Restore the deducted amounts from the projects in the 2026'

Gamit ang mga kamatis at itlog, itinuturing daw ng CSO na pawang mga bulok na kamatis sina Lagdameo at Galvez na siyang binubulok at sumisira sa peace agreement ng pamahalaan at MILF.