December 13, 2025

Home BALITA

Pagnonotaryo gagawin na ring digital — Supreme Court

Pagnonotaryo gagawin na ring digital — Supreme Court
Photo courtesy: Supreme Court PH (FB)

Inihayag ng Supreme Court of the Philippines ang pagsasagawa ng serbisyong ‘#eNotarizationPH’ sa bansa.

Ibinahagi ng Korte Suprema sa kanilang Facebook post nitong Miyerkules, Agosto 13, ang mga detalyeng kailangang tandaan ng mga nais subukan ang "digitized notary."

“From paper to digital, technology is transforming the way notarization works. #eNotarizationPH will soon offer convenience without compromising legality,” anila sa caption.

Ayon sa SC, ang mga dokumentong “eNotarized” ay pareho sa mga tradisyonal na notarized documents.

Sen. Bato, masayang nakita ang apo

Nilinaw din nilang ang mga “notarial wills” at “depositions” ay hindi maaaring ipanotaryo electronically.

Maaari din umanong gawin ito sa paraang “remotely,” “in-person,” o kombinasyon ng dalawa.

Sinigurado naman nilang ang mga “electronic notaries public” ay otorisadong isagawa ang nasabing serbisyo, sa loob at labas ng bansa.

May mga “Electronic Notary Administrator” ding nakatalaga upang maipasa ito sa isang “electronic notarial facility provider” upang masiguro na tama ang proseso.

Ipinaalala rin ng SC na ang mga dokumento ay maaaring ipanotaryo basta ito ay naka-Portable Document Format (PDF).

Makikita rin sa parehong Facebook post ang ilan pang impormasyon patungkol naman sa eNotarization rules ng nasabing serbisyo.

Vincent Gutierrez/Balita