Nasa Office of the President (OP) ang pinakamlakaing confidential and intelligence fund (CIF) para sa 2026 national budget.
Ayon sa inilabas na dokumento ng Department of Budget and Management (DBM), may alokasyong ₱4.5 bilyon ang OP at siyang pinakamataas na nakakuha ng CIF sa lahat ng ahensya at opisina para sa 2026.
Sumunod naman sa OP ang Department of National Defense (DND) na may ₱1.848 bilyon. Ayon pa kay DBM Secretary Amenah Pangandaman, nakatanggap din ng bilyong confidential funds ang iba pang executive offices.
“Then other executive offices including the Anti-Money Laundering Council, Games and Amusement Board, NICA (National Intelligence Coordinating Agency), National Security Council, Office of the Presidential Adviser on Peace Reconciliation and Unity, Philippine Drug Enforcement Agency— will get ₱2.292 billion,” ani Pangandaman.
Samantala, bigo pa ring malaanan ng confidential funds ang tanggapan ni Vice President Sara Duterte sa Office of the Vice President (OVP).
Matatandaang noong 2024 budget deliberation nang tapyasin ng Kamara ang proposed budget ng OVP mula P2 bilyon patungong P733 milyon bunsod umano ng maanomalyang paggamit daw ni VP Sara ng confidential funds.
Para naman sa 2026 national budget, inaasahang nasa ₱902.895 milyon ang mailalaang alokasyon para sa OVP.