December 19, 2025

Home BALITA Probinsya

Lalaki, arestado matapos mang-hostage ng isang menor de edad

Lalaki, arestado matapos mang-hostage ng isang menor de edad
Photo Couurtesy: Baliwag City PIO and Raincel Uy (FB)

Arestado ang isang lalaki matapos mabulilyaso ang hostage taking niya noong madaling araw ng Miyerkules.

Nabulabog ang mga residente sa paligid ng palengke ng Baliwag City, Bulacan, matapos maganap ang isang hostage taking ng isang 46-anyos na lalaki sa pasadong 1:43 ng madaling araw noong Agosto 13, 2025. 

Makikita sa Facebook video na in-upload ng user na si Raincel Uy ang isang lalaki na hawak ang isang 16-anyos na vendor sa nasabing lugar at nagbabantang sasaksakin ito.

Samantala, nasalisihan ng agad na rumespondeng pulis na kinilalang si Police Master Sergeant Francis Damian mula sa Baliuag Police Station ang suspek. 

Probinsya

Sabunutan ng ilang LGBTQIA+ members at isang babae, sumiklab sa kasagsagan ng Simbang Gabi

Matagumpay ang pagpigil ng nasabing pulis sa suspek at agad itong kinuyog ng mga residente. 

Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya na mayroon nang naunang atakihin ang lalaki na isang babaeng naglalakad lang at nanaksak sa katawan ng isang guwardya bago ang mangyari ang insidente. 

Marami raw umanong humahabol sa kaniya at dalawang gabi na siyang hindi makatulog kaya nahantong siya sa ganitong uri ng krimen. 

Nasa kustodiya na ngayon ng Baliwag Police Station ang suspek at nahaharap sa kasong Attempted Homicide na may kaugnayan sa RA 7610 o mas kilala bilang Special Protection of Children Against Child Abuse, Exploitation and Discrimination Act. 

Mc Vincent Mirabuna/Balita