December 13, 2025

Home BALITA

'Lagot!' BSP, iminandato na 'pag-unlink' ng e-wallets sa mga online gambling

'Lagot!' BSP, iminandato na 'pag-unlink' ng e-wallets sa mga online gambling
Photo courtesy: File photo

Ipinag-utos na ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang direktahang “pag-unlink” ng mga e-wallets sa mga online gambling sites.

Sa Senate hearing nitong Huwebes, Agosto 14, 2025, inanunsyo ng BSP ang nasabing kautusan na dapat maisagawa ng mga e-wallets operators sa loob ng 48 oras.

"The monetary board of the [BSP] has approved our policy that we asked or we order, direct the BSP supervising institutions to take down and remove all icons and links redirecting to gambling sites," ani BSP Deputy Governor Mamerto Tangonan.

Samantala, nagbabala naman si Sen. Erwin Tulfo laban sa BSP na ipaco-contempt nila ito kung sakaling may mga naka-link pa ring e-wallet sa mga online gambling sites hanggang sa Linggo, Agosto 16.

Sen. Bato, masayang nakita ang apo

"Wag niyong biru-biruin ang komiteng ito. We have a problem, we have a crisis. Hindi ito basta basta. When you say huling oras ng Saturday [ang deadline], sige pagbibigyan kita hanggang Sunday. ‘Pag Sunday morning meron pa ring mga games sa e-wallets, iko-contempt ka namin,” ani Tulfo.