January 04, 2026

Home FEATURES

Kalinga designer, binigyang pagkilala sa New York Fashion Week

Kalinga designer, binigyang pagkilala sa New York Fashion Week
Photo courtesy: DTI ASENSO PILIPINO (Youtube), filipinxt.show (IG)

Ibinahagi ni Jasmine Baac, isang Pinay designer ang kaniyang imbitasyon sa New York Fashion Week (NYFW) at ang kuwento sa likod ng kaniyang Kalinga-textile brand kamakailan. 

Sa programang “DTI Asenso Pilipino,”  ikinuwento ni Baac ang makulay na kultura at sining ng Kalinga na inspirasyon sa kaniyang brand na “Bagoyan,” at ang pagiging isa sa mga kauna-unahang Filipino clothing line na inimbita sa NYFW noong Pebrero 2025.

“I really wanted to promote Kalinga in general and also through the weaves,” kuwento nito sa kaniyang motibasyon sa likod ng Bagoyan. 

Ibinahagi rin ng designer na simula pa kolehiyo, ninais na niyang ipakilala ang kultura at sining ng Kalinga. 

Human-Interest

ALAMIN: Gaano katagal bago mapanis mga hinandang pagkain noong holiday?

“When I was studying in college, when I was in UP, hindi nila masyado alam saan ang Kalinga. I have to explain, ‘taga-Kalinga ako, sa bundok, malayo, sa Cordillera,’ So I wanted people to know where it is and how beautiful the province is,” kaniyang pagbabalik-tanaw. 

Katunayan, bago maging founder at creative director ng Bagoyan, isa munang legal at compliance manager si Baac. 

Kung kaya’t  sa kasagsagan ng COVID-19 pandemic, nagsimula ang kaniyang brand, na noo’y kaniya pa lamang “passion project” sa pagbebenta ng mga customized masks, at dahil na rin sa kaniyang interes sa fashion at pagbibihis, naisip niyang idagdag ito para na rin makatulong sa kaniyang komunidad sa Kalinga.

At noong Pebrero 2025, isa si Baac sa 6 na Filipino designers na inimbitahan ng Filipinxt para magpakita ng mga koleksyon nito para sa fall/winter 2025 edition ng NYFW. 

“It was really overwhelming and I was so grateful that I’ve got that chance to be invited,” pagsasaad nito nang tanungin ang kaniyang experience sa imbitasyon. 

“It was a mix of emotions because I was excited. I’m not a learned designer, I was not educated in the fashion school, [so] I was not confident at first. But when I got invited, it was a big deal,” dagdag nito. 

At nang tanungin sa panayam kung ano ang mga adhikain ng designer sa hinaharap, ibinahagi nito na nais pa niyang maipakilala sa ibang rehiyon sa Pilipinas at mundo ang habi at sining ng Kalinga sa pamamagitan ng Bagoyan. 

Sean Antonio/Balita