Iniimbestigahan na ng Senado ang kumalat na mga ulat sa umano'y staff ni Sen. Robin Padilla na nag-marijuana session sa loob ng kaniyang opisina.
Ayon sa mga ulat, isa umanong babae staff ng nasabing senador ang hinihinalang nagpuslit at gumamit ng marijuana sa Senado.
Batay pa sa ilang mga ulat sinasabing isang tauhan umano ng Office of the Sergeant at Arms (OSAA) ang nakaamoy ng marijuana malapit sa opisina ni Padilla.
Dumipensa pa raw ang naturang staff ni Padilla at iginiit na pawang air freshener lang daw ang naamoy sa paligid.
Nagkasa na rin daw ng hiwalay na imbestigasyon si Padilla hinggil sa kinasasangkutan isyu ng kaniyang opisina.
Samantala, iginiit naman ng OSAA na magsasagawa raw sila ng random drug testing para sa mga empleyado, reporter at staff sa Senado upang mabigyang-linaw ang nasabing isyu.