December 21, 2025

Home BALITA Probinsya

Flash flood na rumagasa sa Albay, galing umano sa Mayon

Flash flood na rumagasa sa Albay, galing umano sa Mayon
Photo courtesy: Lherlie Bangayan (FB)

Mala-dagat ang bahang rumagasa sa Barangay Masarawag, Guinobatan, Albay nitong Miyerkules, Agosto 13. 

Ibinahagi ng netizen na si Lherlie Bangayan sa kaniyang Facebook story nitong Miyerkules, Agosto 13, ang tila kulay tsokolateng tubig na umaagos nang malakas sa isang kalsada sa kanilang lugar.

Ayon sa mga ulat, ang bahang ito ay dulot ng dalawang oras na walang tigil na pag-ulan. Galing din umano sa parte ng Bulkang Mayon ang baha kung kaya’t ito ay nahaluan ng mga buhangin, basura, debris, at mga putik.

Libo-libong residente rin umano ang naapektuhan ng flash flood mula sa Purok 4, 6, at 8 sa Guinobatan.

Probinsya

59-anyos na lalaki, arestado sa kasong acts of lasciviousness, statutory rape

Sa kasalukuyan, hindi pa nadadaanan ang mga nasabing purok dahil sa pagbahang ito.

Samantala, ayon sa PAGASA, ang pag-ulan at pagbahang ito ay bunsod ng malawakang localized thunderstorm na itinaas sa bansa.

Vincent Gutierrez/BALITA