December 13, 2025

Home BALITA National

₱1.018 bilyon, laan sa 2026 budget ng local, foreign trips ng Office of the President

₱1.018 bilyon, laan sa 2026 budget ng local, foreign trips ng Office of the President
Photo courtesy: via Manila Bulletin

Mas mataas ang proposed budget ng Office of the President para sa 2026 national budget, kumpara nitong 2025.

Batay sa isinapublikong dokumento ng Department of Budget and Management (DBM) para sa 2026 National Expenditure Program (NEP), umabot ng ₱1,018,304,000 bilyon ang nakalaan para sa foreign at local visits ng opisina ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. 

Kumpara noong 2025 NEP, naglalaro lamang ang state visit budget ng OP noon sa ₱982,649,000.

Matatandaang minsan nang inihayag ni Labor Secretary Bienvenido Laguesma na tinatayang nasa 200,000 trabaho raw ang nabuksan para sa mga Pilipino matapos ang foreign visits ni PBBM.

National

Middle forces, Marcos bloc kailangang magkaisa para 'di manalo Duterte bloc sa 2028—Antonio Trillanes

Sa kabuuang budget para sa 2026, mayroong ₱27,236 bilyong pondo para sa OP, mas mataas mula sa ₱15.9 bilyon noong 2025.

Nasa OP din ang may pinakamalaking confidential and intelligence fund (CIF) na may alokasyong ₱4.5 bilyon, habang nananatili namang mailap na mapondohan ang CIF ng Office of the Vice President (OVP).

MAKI-BALITA: 2026 National budget, hawak na ng Kamara; AKAP, bokya na mapondohan