Pumukaw ng atensyon sa social media ang Facebook post ng netizen na si Ralf Bama Oniana mula Lanao Del Sur noong Agosto 4, 2025, na talaga namang kagulat-gulat.
Batay sa ulat ng GMA Public Affairs, makikita sa video ang isang sawa na nakuha nila sa loob ng isang printer na kaniyang ginagamit sa pagtatrabaho.
“Mao ba ning ginatawag nila nga 3D printer?” pabiro pang saad sa caption ng uploader na may salin sa wikang Filipino na "Ito ba ang tinatawag nilang 3D printer?".
Lalong kinagiliwan at kinatuwaan ng mga nitizen ang videong ibinahagi niya dahil sa paggamit ni Oniana ng viral ‘Jet2 Holidays’ bilang background music.
Ayon sa ulat, agad naman silang nagpatawag ng utility at security personnel upang alisin ang ahas.
Pinakawalan nila umano ito sa gubat malayo sa opisina na kanilang pinagtatrabahuhan.
Samantala, hindi naman napigilan ng mga netizens na magbahagi ng kanilang nakakatawang mga reaksyon. Narito ang ilan sa kanilang iniwang komento:
“Python program ngale gamit ninyos computer ralf ,” pagbibiro ng isa.
(Baka Python program ito na gamit ninyo sa computer, Ralf)
“Nakuyawan nako basin naa pod dari gang,” dagdag ng isa.
(Natakot ako baka may gang din dito)
“Hahaha murag tunga jud mog income sa halas ani,” banggit ng isa.
(Hahaha, parang kalahati talaga ng kita ninyo mapupunta sa ahas nito.)
“Diha man ko tig print sauna bai haha,” pag-alala ng isa.
(Diyan ako dati nagpi-print, bai, haha)
“Grabe naman ng printera bai,” komento ng isa.
(Grabe naman ang printer mo, bai.)
“Ang sa amua pod kay lahi lang na halas hahaha,” pagbabahagi ng isa.
(Sa amin naman, iba lang na klase ng ahas ’yon, hahaha.)
Umabot na ngayon sa 2 milyon ang bilang ng mga nakapanood sa Facebook reels na ni-upload ni Ralf.
Hindi naman nabanggit na ulat kung paano napunta ang ahas sa loob ng printer.
Mc Vincent Mirabuna/BALITA