Dalawang lalaki ang naaresto matapos pagnakawan ang isang resort at matapos umanong pagnakawan at gahasain ang kahera nito sa Trece Martires, Cavite.
Ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Miyerkules Agosto 13, 2025, nagkunwari ang mga suspek na mga customer upang makapasok sa resort sa Barangay De Ocampo.
Pagdating nila sa lobby, dito na sila nanutok ng baril at pinatay ang ilaw.
Nakuha nila ang halos ₱3,000 halaga ng pera mula sa kaha, dalawang cellphone, at ilang kagamitan sa konstruksyon.
Matapos nito, dinala umano ng mga suspek ang kahera sa kusina at dito isinagawa ang panggagahasa.
Nagsagawa ng backtracking ang pulisya at nahuli ang dalawa na positibong nakilala ng biktima. Nahaharap sila sa kasong robbery with rape at illegal possession of firearms.