Walang kawala ang isang nanay sa Zamboanga City matapos makuhanan ng CCTV ang pananakit niya sa isang binatilyong nakaaway umano ng kaniyang anak.
Ayon sa mga ulat, naglalaro ang biktima kasama ang ilan pang mga menor de edad ng biglang sumugod ang babaeng suspek.
Mapapanood din sa nasabing CCTV footage na agad na kinompronta ng babae ang biktima at saka binigyan ng suntok at sampal. Bunsod nito, nagtamo ng bukol sa ulo ang biktima.
Lumalabas sa imbestigasyon na iginanti lang daw ng babae ang kaniyang anak na nauna na raw sinaktan ng nasabing binatilyo matapos ang kanilang away.
Samantala, matapos ireklamo, napag-alamang under probation pa raw ang suspek sa kanilang barangay bunsod pa rin ng reklamong pananakit at pagbabanta.
Nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang suspek habang desidido rin magsampa ng reklamo ang mga kaanak ng biktima.