January 04, 2026

Home BALITA Probinsya

Miss Gay winner na PWD sa Batangas, 13 beses pinagsasaksak ng kainuman

Miss Gay winner na PWD sa Batangas, 13 beses pinagsasaksak ng kainuman
Photo courtesy: Pexels

Patay na nang natagpuan ang katawan ng 25 taong gulang na LGBTQIA+ member na isa ring person with disability (PWD) sa Lipa, Batangas.

Ayon sa mga ulat, nagtamo ng tinatayang 13 saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktima na agad niya ring ikinamatay.

Lumalabas sa imbestigasyon ng mga awtoridad na isang lalaking 27-anyos ang huling kasama ng biktima bago siya natagpuang patay. 

Sa isinagawang back tracking ng mga awtoridad, nahagip daw ng CCTV ang pagbaba ng biktima at suspek mula sa isang tricycle. Matapos ang ilang sandali, mag-isa na lamang daw na umalis ang suspek.

Probinsya

Toy gun lang? Lady driver na nagpakita ng baril, nanakot lang daw ng namamalimos

Nakuhanan pa ng CCTV ang muli raw pagbalik ng suspek upang kuhanin ang wallet ng biktima.

Napag-alamang galing sa isang inuman ang biktima kasama pa ang iba pang PWD na may kapansanan sa pandinig at doon umano niya nakilala ang suspek. 

Samantala, nasakote na ng pulisya ang suspek matapos silang magsagawa ng follow-up operations. Depensa ng suspek, nagawa lang daw niyang pagsasaksakin ang biktima dahil sa galit. Ayon sa kaniya, hindi raw sila magkakilala ng biktima na biglaan na lang daw siyang hinipuan nito. 

Kumbinsido ang mga awtoridad na “intent to kill” ang motibo ng suspek na nasa kanila ng kusotidya at nahaharap sa kasong murder.