December 17, 2025

Home BALITA Probinsya

Kabataang suspek sa nagkritikal at bugbog saradong grade 3 student, 'di raw makukulong?'

Kabataang suspek sa nagkritikal at bugbog saradong grade 3 student, 'di raw makukulong?'
Photo courtesy: Contributed photo

Natukoy at nakaharap na ng mga awtoridad ang tatlong high school student na sangkot sa pambubugbog sa isang grade 3 student sa Iligan City.

Ayon sa mga ulat, kumpirmadong pawang mga menor de edad ang mga suspek—dahilan upang hindi sila mpapanagot sa batas.

Matatandaang nag-viral ang panggugulpi ng mga suspek laban sa biktima matapos nila itong ilagay sa social media. Mapapanood sa nagkalat na video ng naturang pagkuyog sa biktima kung paano nagpalitan ng suntok at tadyak ang high school students sa kaniyang katawan

KAUGNAY NA BALITA: 9-anyos na bata, comatose matapos bugbugin ng high school students

Probinsya

Tatay na patungo sanang Negros para sa anak na may sakit, nawawala!

Matapos mapaulat na na-comatose ang biktima, kamakailan lang nang kinumpirma ng mga awtoridad na nagawa na raw niyang maimulat ang kaniyang mga mata.

Samantala, nakatakda namang i-turn over sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga menor de edad na suspek at posibleng hindi makulong sa kabila ng pinsalang kanilang ginawa laban sa biktima. 

Pinag-aaralan na rin ang anggulong mapanagot ang mga magulang ng mga suspek.