Nagtagisan ng husay sa pagkukuwento ang mga kalahok sa Qualifying Round ng kauna-unahang storytelling competition ng isang children book publishing company, sa elementary level ng iba't ibang pribadong paaralan sa Metro Manila.
Ginanap ang kompetisyon, sa English at Filipino category, sa School of Saint Anthony, Lagro, Quezon City ngayong araw ng Martes, Agosto 13, 2025.
Isinalaysay ng mga kalahok mula sa iba't ibang pribadong paaralan ang ilan sa mga aklat-pambatang inilambag ng Brille Petit Publishing Company.
Pumili ng top 5 finalists sa dalawang kategorya na maglalaban-laban sa Final Round, na gaganapin naman sa Manila International Book Fair (MIBF) sa SMX Convention Center ng SM Mall of Asia, Pasay City sa Biyernes, Setyembre 12, 2025.
Layunin ng kompetisyon na itampok ang pagbabasa ng mga kuwentong pambata sa mga mag-aaral na nasa edad pito hanggang sampu.