January 24, 2026

Home BALITA Probinsya

5 madre, 1 monghe sugatan sa aksidente sa Bukidnon

5 madre, 1 monghe sugatan sa aksidente sa Bukidnon
Photo Courtesy: MDRRMO Damulog

Sugatan ang limang madre at isang monghe nang mabangga ng trailer truck ang kanilang sasakyan sa Barangay Sampagar, Damulog, Bukidnon, noong Lunes, Agosto 11, 2025.

Samantala, agad na nasawi ang kanilang drayber na kinilalang si Alfredo Lagrimas, 65-anyos dahil sa nakamit na matinding pinsala sa aksidente.

Ayon sa ulat ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) Damulog, napag-alamang nagmula ang sasakyan ng mga biktima sa Malaybalay City, Bukidnon na patungo sana sa Palomolok, South Cotabato. 

Dagdag pa ng ulat, mabilis umano ang takbo ng trailer truck sa kurbadang bahagi ng daan kaya nagawa nitong kainin ang kabilang linya ng kalsada. 

Probinsya

₱1.8M halaga ng ilegal na sigarilyo, nasabat sa Bacolod; 2 arestado!

Kasalukuyan ngayong nagpapagaling ang mga madre at monghe sa Bukidnon Provincial Hospital-Kibawe. 

Samantala, nagsimula na ang imbestigasyon ng Damulog Municipal Police Station kaugnay sa nangyaring insidente. 

Mc Vincent Mirabuna/BALITA