December 14, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Pokwang umapela, huwag idamay sa bashing nanay ni Vice Ganda

Pokwang umapela, huwag idamay sa bashing nanay ni Vice Ganda
Photo courtesy: Pokwang (IG)/Vice Ganda (YT)

Nanawagan sa publiko lalo na sa bashers ang Kapuso comedienne-TV host na si Pokwang kaugnay sa kritisismo at pagkondenang natatanggap ni Unkabogable Star Vice Ganda, dahil sa naging hirit na biro niya laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte, sa "Super Divas" concert nila ni Asia's Songbird Regine Velasquez-Alcasid sa Smart Araneta Coliseum noong Agosto 8 hanggang 9.

Sa nabanggit na production number, kumakanta si Regine ng chorus of "Hold My Hand" ni Jess Glyne's, na track ng viral TikTok background music na "Jet 2 Holiday" nang biglang pumasok si Vice Ganda at ginawa itong "Jetski Holiday."

"Nothing beats a jet ski holiday, right now from Manila to the West Philippine Sea via jet ski. Get unlimited water bombing from Chinese vessels and a free trip to The Hague by the ICC. Promo applies to DDS only. Pinklawans and BBMs are prohibited. Huwag n'yo akong subukan, mga put*** ina n'yo!" ani Vice, na siyang pinalagan naman ng DDS o Duterte supporters.

Pinanawagan ng Duterte supporters ang pagdedeklarang persona non grata kay Vice Ganda, at ang ilan ay nagsabi pang i-boycott lahat ng brand na ineendorso niya, partikular ang isang sikat na fast food chain.

Tsika at Intriga

'Mapapasubo?' Doris Bigornia, kakayanin 8 MMFF movies basta ka-date si Atom Araullo

KAUGNAY NA BALITA: Vice Ganda, binanatan ng Duterte supporters dahil sa paandar sa concert

Sa kaniyang X post noong Lunes, Agosto 11, nakiusap naman si Pokwang na huwag idamay ang nanay ni Vice Ganda mula sa isyu.

"wag naman po tayong ganyan! kung may na offend man sa Joke ni Vice e wag naman po idamay ang nanay kasi hindi naman artista or politiko ang kanyang ina," anang Pokwang.

"kaming mga artista at politiko ay tanggap namin na na ba bash kami kahit minsan masakit, wag naman si nanay Rosario please," saad pa niya.

Sagot naman ng isang netizen, "Never Forget na buong pagmamahal sya. Greet ni PRRD nung Bday at puro magagandang salita Ang narinig Nya sa Presidenteng 80 years old !!!at yung Song bird nasa status ng pang international level Lumelevel sa pagkachaka ng Vice Chaka !!!"

Tugon naman ni Pokwang, "Im sure di naman nya nalilimutan yan pero yung idamay natin ang nanay na hindi naman artista or politiko e maling mali po, hindi naman si nanay Rosario nagsulat ng script ni meme or nag utos sa kanya na ganon ang i joke nya!"

Samantala, naglabas naman ng resolusyon ang Davao City Council na nagkokondena sa naging biro ni Vice Ganda laban sa dating pangulo.

KAUGNAY NA BALITA: Davao City Council, naglabas ng resolution; kinondena 'jet ski' joke ni Vice Ganda!