December 12, 2025

Home BALITA

Pag-persona non grata kay Vice Ganda sa Davao City, nakadepende sa city council—VP Sara

Pag-persona non grata kay Vice Ganda sa Davao City, nakadepende sa city council—VP Sara
file photo

Nakadepende umano sa Davao City council ang pagdedeklara ng persona non grata laban sa TV host at komedyanteng si Vice Ganda, ayon kay Vice President Sara Duterte noong Lunes, Agosto 11.

Kumakalat ngayon sa social media ang isang dokumentong nagpapataw kay Vice Ganda na persona non grata sa Davao City, bagay na pinabulaanan ni Acting Davao City Vice Mayor Rodrigo 'Rigo' Duterte II. 

“The Davao City Council has far more important matters to attend to than entertaining baseless, attention-seeking antics from performers desperate for relevance,” saad ni Acting Vice Mayor Duterte. 

“Davao City will not be distracted by cheap insults and distasteful jokes made for clout,” dagdag pa niya.

Metro

Misis, sinaksak ng mister sa leeg

Samantala, sinabi ni VP Sara na hindi pa niya nakikita o nababasa ang mga binitawang biro ni Vice Ganda. Kaya, aniya, kung anuman ang desisyon ng city council patungkol dito, ito raw ay dapat desisyon ng mayorya.

“I haven’t seen or read the jokes being referred to, but whatever the decision of the city council, it has to be a majority decision,” saad ng bise presidente sa isang panayam sa Davao City. "The council of Davao is the correct body to declare a person a persona non grata."

Matatandaang nag-ugat ang usapin kay Vice Ganda dahil sa kaniyang stint sa concert nila ni ni Asia's Songbird Regine Velasquez-Alcasid. 

Sa isang parody gamit ang sikat na background music sa TikTok na "Jet2 Holiday," tila binanatan ni Vice ang kontrobersyal na “Jet Ski promise” ni Duterte noon patungkol sa WPS.

Binanggit din niya ang mga DDS o Diehard Duterte Supporters at nagwakas pa sa isang paggaya sa dating Pangulo sa pamamagitan ng malutong na pagmumura niya, na labis na ikinatawa ng live audience.

"Nothing beats a jet ski holiday, right now from Manila to the West Philippine Sea via jet ski. Get unlimited water bombing from Chinese vessels and a free trip to The Hague by the ICC. Promo applies to DDS only. Pinklawans and BBMs are prohibited. Huwag n'yo akong subukan, mga put*** ina n'yo!" ani Vice, na siyang pinalagan naman ng DDS o Duterte supporters.

KAUGNAY NA BALITA: Vice Ganda, binanatan ng Duterte supporters dahil sa paandar sa concert

ANO NGA BA ANG IBIG SABIHIN NG PERSONA NON GRATA?

Ang "persona" ay nangangahulugang "tao" at ang "non grata" naman ay hindi welcome o tanggap.

Nangangahulugan, ang isang deklaradong persona non grata ay hindi tanggap o hindi welcome magtungo sa isang partikular na lalawigan o lungsod, gayundin sa mga sakop na lugar at establisyimentong nakapaloob dito, dahil sa kanilang mga nasabi o ikinilos na pinaniniwalaang nakasaling o naka-offend sa kultura o norms doon. Ito ay isinasagawa sa pamamagitan ng isang aprubadong resolusyon mula sa national o local government. Karaniwan itong iginagawad sa mga dayo o hindi residente ng isang bayan.

MAKI-BALITA: Deklarasyong ‘persona non grata’ ang isang tao, may bigat ba?