December 12, 2025

Home BALITA

Meralco, magtataas ng singil sa kuryente ngayong Agosto

Meralco, magtataas ng singil sa kuryente ngayong Agosto
MANILA BULLETIN FILE PHOTO

Tila aaray muli ang mga konsyumer dahil sa nagbabadyang taas-singil sa kuryente ng Manila Electric Company (Meralco) ngayong buwan ng Agosto.

Sa abiso ng Meralco nitong Martes, Agoato 12, nabatid na ang dagdag-singil na P0.6268/kWh ay bunsod ng pagsipa ng transmission at generation charges mula sa power generators at wholesale spot market.

Dahil sa dagdag-singil, ang overall household rate ng Meralco ay tataas na sa P13.2703/kWh mula sa P12.6435/kWh noong Hulyo.

Ayon sa Meralco, ang dagdag-singil ay katumbas ng P125 dagdag na bayarin para sa mga tahanang nakakakonsumo ng 200 kwh kada buwan at P188 para sa mga nakakagamit ng 300 kwh.

Bato, masayang nakita ang apo

Nasa P251 naman ang dagdag na babayaran ng mga tahanang kumukonsumo ng 400 kwh at P313 para naman sa nakakagamit ng 500 kwh na kuryente kada buwan.