December 19, 2025

Home BALITA Internasyonal

Labi ng scientist natagpuan na matapos ang 66 taon

Labi ng scientist natagpuan na matapos ang 66 taon
Photo courtesy: D. Bell (1958) via British Antarctic Survey (BAS)

Narekober ang bangkay ng isang British meteorologist na nasawi sa isang aksidente sa Antarctica noong Hulyo 26, 1959.

Kinilala ang scientist bilang si Dennis ā€œTinkā€ Bell, 25 taong gulang nang ito ay nasawi.

Ayon sa mga ulat, nadiskubre ang bangkay sa isang natutunaw na tipak ng yelo sa Admiralty Bay, sa King George Island.

Kinumpirma ng British Antarctic Survey (BAS) na namataan ang bangkay ng nasabing siyentipiko ng isang grupo mula sa Henryk Arctowski Polish Antarctic Station noong Enero 19, 2025.

Internasyonal

Canadian government, naglabas ng ā€˜travel warning’ sa mga lokal nilang magta-travel sa Pilipinas

Dinala ang mga buto ni Bell sa Falkland Islands kasama si BAS Royal Research Ship Sir David Attenborough upang ipasa ito sa Malcolm Simmons — na siyang magdadala nito sa London.

Matapos ang isinagawang DNA testing, nag-match naman angĀ  DNA ni Dennis sa mga kapatid niyang sina David at Valerie.

Napag-alamang may tatlong kasama si Bell noong siya ay nawala — ang meteorologist na Sina Ken Gibson, ang surveyor na si Jeff Stokes, at ang geologist na si Colin Barton.

Nasawi si Bell matapos magpatuloy sa ekspedisyon sa gitna ng labis na kapaguran kahit wala na itong gamit na skis.

Vincent Gutierrez/BALITA