December 15, 2025

Home SHOWBIZ

Kahit ‘di masyadong gutom: Romnick, umorder sa fast food chain na ineendorso ni Vice Ganda

Kahit ‘di masyadong gutom: Romnick, umorder sa fast food chain na ineendorso ni Vice Ganda
Photo Courtesy: Screenshot from ABS-CBN Entertainment (YT), Vice Ganda (IG)

Tila lalo pang inasar ng aktor na si Romnick Sarmenta ang mga nananawagang iboykot ang mga produktong iniendorso ni Unkabogable Star Vice Ganda.

Ito ay matapos bumanat ng biro ang komedyante patungkol umano kay dating Pangulong Rodrigo Duterte na kasalukuyang nakapiit sa The Hague, Netherlands dahil sa kasong crime against humanity.

Kaya naman kumulo ang dugo ng mga tagasuporta ni Duterte at kinuyog si Vice.

MAKI-BALITA: Vice Ganda, binanatan ng Duterte supporters dahil sa paandar sa concert

'Nakainuman ko na ba kayo?' Angelica Panganiban nag-react sa isyung lasinggera siya

Pero sa latest X post ni Romnick noong Lunes, Agosto 11, nagpakita pa siya ng suporta sa fast food chain na iniendorso ni Vice sa pamamagitan ng pag-order dito.

Aniya, “Sa ingay ng pagtawag... Napa order ako. Kahit di naman masyadong gutom.”

Umani tuloy ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang nasabing post. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Mag order rin ako para lalo mainis mga DDS na walang pambili BWAK BWAK BWAK BWAK "

"Haha favorite ng anak ko! Kya para sa anak ko.., Mcdo is life!"

"WAHAHAHAHHA @vicegandako sa ingay baka mag pafranchise pa siya niyan."

"i admire you fir being always socially aware "

"It was our lunch and dinner. Will order breakfast tom and the following day. Ang sarap!"

"Ako rin Maka order nga  sa Mcdo"

"Hehe, tama yan Lodi Romnick. Lalo inisin mga ddshits "

Alam mo Romnick, kasing babaw ka ni Vice. You celebrate these petty 'victories' kaya madalas, talo kayo. Meme, Insults, Jokes, etc. Pero sa taon na kakangakngak mo, nananalo kana ba sa pinaglalaban mo? Go enjoy being petty, laos

Matatandaang isa si Romnick sa mga artistang bumoboses sa politika. Kamakailan lang ay naghayag siya ng sentimyento patungkol sa mga lingkod-bayan na binabaluktot ang batas.

MAKI-BALITA: Pagbaluktot sa batas, isang kataksilan sey ni Romnick Sarmenta

At noong Hunyo, may tirada siya patungkol sa “inosente pero 16 ang kinuhang abogado,” na bagama’t walang siyang binanggit na pangalan ay tila alam na ng netizens ang kaniyang tinutukoy.

MAKI-BALITA: Romnick Sarmenta, may tirada sa 'inosente pero 16 ang kinuhang abogado'

Ito ay matapos ibahagi ni Senate impeachment court spokesperson Reginald Tongol ang kopya ng Appearance – Ad Cautelam kung saan nakasaad dito na ang 16 na abogado ni Vice Presidente Sara Duterte, para sa impeachment trial, ay manggagaling sa Fortun Narvasa & Salazar law firm.

BASAHIN: Sino-sino nga ba ang 16 na abogadong dedepensa kay VP Sara sa impeachment trial?