December 14, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Davao City Council, naglabas ng resolution; kinondena 'jet ski' joke ni Vice Ganda!

Davao City Council, naglabas ng resolution; kinondena 'jet ski' joke ni Vice Ganda!
Photo courtesy: Screenshot from Davao Today (FB)/via Balita

"Unanimous" ang naging desisyon ng 21st Davao City Council sa pagpapasa ng resolusyon ngayong Martes, Agosto 12, 2025, sa Sangguniang Panlungsod, na kumokondena sa kontrobersiyal na "jet ski" joke ni Unkabogable Star at "It's Showtime" host Vice Ganda, na may kaugnayan kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Inihain ni Konsehal Danilo Dayanghirang, resolusyon ang naging tugon ng konseho matapos ang maraming panawagang ideklarang persona non grata si Vice Ganda sa nabanggit na lungsod.

Ayon kay Dayanghirang, naniniwala silang ang pagkondena sa naturang pahayag ay may kaparehong bigat. Idinagdag din niya na may mga kapwa konsehal na nagmungkahi ng mga amyenda sa resolusyon.

Nag-ugat ang kontrobersiya mula sa performance nila ni Asia's Songbird Regine Velasquez-Alcasid sa kanilang concert na "Super Divas" na tumutukoy sa dating pangulo, sa West Philippine Sea, at sa International Criminal Court (ICC), na nagdulot ng halo-halong reaksyon mula sa mga netizen.

Tsika at Intriga

'Mapapasubo?' Doris Bigornia, kakayanin 8 MMFF movies basta ka-date si Atom Araullo

"Nothing beats a jet ski holiday, right now from Manila to the West Philippine Sea via jet ski. Get unlimited water bombing from Chinese vessels and a free trip to The Hague by the ICC. Promo applies to DDS only. Pinklawans and BBMs are prohibited. Huwag n'yo akong subukan, mga put*** ina n'yo!" ani Vice, na siyang pinalagan naman ng DDS o Duterte supporters.

Batay naman kay Vice President Sara Duterte, pinauubaya raw niya sa Davao City Council ang desisyon kung idedeklara ba nilang persona non grata si Vice Ganda.

"I haven’t seen or read the jokes being referred to, but whatever the decision of the city council, it has to be a majority decision,” saad ng bise presidente sa isang panayam sa Davao City. "The council of Davao is the correct body to declare a person a persona non grata," aniya.

Batay naman sa apo ni FPRRD na si Acting Davao City Vice Mayor Rodrigo "Rigo" Duterte II, sinabi niyang wala umanong desisyon mula sa Davao City na nagdedeklarang persona non grata si Vice Ganda.

Samantala, wala pang reaksiyon, tugon, o pahayag ang kampo ni Vice Ganda tungkol sa resolution.