December 16, 2025

Home FEATURES Mga Pagdiriwang

ALAMIN: Mga salita sa wikang Filipino na hindi na masyadong ginagamit ngayon

ALAMIN: Mga salita sa wikang Filipino na hindi na masyadong ginagamit ngayon
Photo courtesy: Farm Security Administration - Office of War Information Photograph Collection, Library of Congress (Website), Shutterstock

Ang wika ng isang bansa ay bahagi ng kultura dahil isa ito sa paraan ng pagsasalin ng mga gawi at kaugalian sa pag-asang pagpepreserba nito ng mga susunod na henerasyon.

Ayon sa Komisyon ng Wikang Filipino (KWF), ang wika  behikulo ng komunikasyon na nagmumula sa pag-uugnay ng mga tunog at yunit ng kahulugan sa pamamagitan ng mga tuntunin at prinsipyo, kung saan ito’y pinagyayaman sa mga social interaction ng iba’t ibang ethnolingguistic communities at edukasyon, ayon sa dagdag na pag-aaral ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA).

Kung kaya’t isinasaad sa 1987 Saligang-Batas ng Pilipinas, sa Artikulo XIV, Seksyon 6 at 7 na ang kinokonsiderang pambansang wika ng bansa ay Filipino.

At bilang isang bilingual na bansa, bukod pa sa higit 180 na mga wika at diyalektong ginagamit, iniimplema ng Department of Education (DepEd) ang MATATAG curriculum para sa mga batang nasa kindergarten hanggang grade 10, kung saan, nais bigyang diin ang paghasa at pagkakaroon ng pundasyon sa unang wika nito o mother tongue bago mag-transisyon sa mga wikang Filipino o Ingles para bigyang pagkilala ang mga Indigenous groups at komunidad sa bansa, at ang mga wika nito.

Mga Pagdiriwang

ALAMIN: 8 mga putahe na kasya sa ₱1,500 para sa Noche Buena

Sa kurikulum na ito, layunin ng DepEd na hubugin ang mga mag-aaral na maging responsable at mahuhusay na mamamayan sa pamamagitan ng mga produktibong diskyusyon sa wika, komunikasyon, at sariling kultural na identidad

Dahil dito, ang Filipino ay patuloy na umiinog at nagbabago dala ng takbo ng panahon at pagkakahalo sa iba pang mga wika dahil na rin sa globalisasyon.

Bilang ipinagdiriwang sa buwan ng Agosto ang Wikang Pambansa, balikan ang ilan sa mga salitang Filipino na hindi na pangkaraniwang ginagamit sa panahon ngayon:

1. marahuyo (pandiwa) - maakit, mabighani, mahalina, magayuma

Ang salitang ito ay kadalasang ginagamit ng mga manunulat, manunula, at mga arte kung sila ay naglalarawan ng isang pasukdol o malayog na salita.

Sa panahon ngayon, ginagamit pa rin ang salitang ito sa mga literatura.

2. dagitab (pangngalan) - kuryente; liyab

Ang salitang na ito ay mula sa Cebu na nangangahulugan ring ilaw, kung saan ay ginagamit pa rin ito bilang pangalan ng pagdiriwang nito na “Dagitab Festival” sa lungsod ng Naga.

3. batalan (pangngalan)

Karugtong ito ng bahagi ng bahay na nasa likuran at kadalasa’y yari sa kawayan at ginagamit sa pagligo, paglalaba o paghahanda ng pagkain.

Ang salitang ito ay bihira nang gamitin sa bansa dahil ang ginagamit na ngayong pamalit na termino dito ay banyo o bathroom/washroom sa Ingles.

4. sambat (pangngalan) - tinidor

Ang salitang ito ay hindi na masyadong ginagamit sa panahon ngayon dahil sa mas pamilyar na terminong “tinidor” para sa pagtukoy ng isang kagamitan sa pagkain o kubyertos.

5. antipara (pangngalan) - salamin

Ang salitang ito ay hiram o loanword na nangangahulugang “salamin sa mata” o eyeglasses o spectacles sa Ingles.

Ito ay hindi na masyadong ginagamit ngayon dahil mas pamilyar na sa modernong salitang Filipino ang “salamin sa mata.”

Ang wika ay isang buhay na organismo na dumadaan sa iba’t ibang pagbabago kung saan, nagkakaroon ng mga bagong kahulugan at gamit ang mga salita sa bawat paglipas ng panahon.

At taliwas sa maling akala ng karamihan, ang wikang Filipino ay mas madaling maintindihan at pag-aralan dahil ito’y nakatanim sa kasaysayan at identidad ng pagiging Pilipino.

“Akala lang ng mga kabataan ngayon mahirap ang wikang Filipino dahil nakatuon ang pansin nila sa mga malalalim na salita lamang. Dapat nilang maunawaan mas madali ang pagsasalita at pagsusulat sa Filipino dahil araw-araw natin itong ginagamit, nasa diwa natin ito,” saad ni Rommel Rodriguez, at direktor ng Sentro ng Wikang Filipino.

Sean Antonio/BALITA