December 13, 2025

Home BALITA

Tropa ng PCG, tinulungan 2 barko ng China na nagsalpukan sa paghabol ng barko ng Pilipinas

Tropa ng PCG, tinulungan 2 barko ng China na nagsalpukan sa paghabol ng barko ng Pilipinas
Photo courtesy: Contributed photo

Dalawang barko ng China ang nagkabungguan matapos ang pagtangka nilang habulin ang supply mission ng Philippine Coast Guard sa Bajo de Masinloc nitong Lunes Agosto 11, 2025.

Ayon sa kumpirmasyon ni Grand Commodore Jay Tarriela sa kaniyang X post nitong Lunes, papunta raw sana ang tropa ng PCG sa 35 mga mangingisda nang tangkain silang gitgitin at bombahin ng tubig ng China.

"In response to the presence of around 35 Filipino fishing vessels in Bajo de Masinloc, the Philippine Coast Guard (PCG) deployed the BRP Teresa Magbanua and BRP Suluan, along with MV Pamamalakaya, early this morning to carry out the “Kadiwa Para sa Bagong Bayaning Mangingisda (KBBM)” initiative," ani Tarriela.

Ayon pa kay Tarriela, isang barko raw mula sa Chinese Coast Guard at People's Liberation Army Navy (PLA Navy) ang nagbungguan malapit sa puwesto ng PCG dahil sa tangka nilang pagdikit sa barko ng Pilipinas.

National

'Not admission of guilt!' Surigao Del Sur solon, nagbitiw sa bicam committee dahil sa delicadeza

"The CCG 3104, which was chasing the BRP Suluan at high speed, performed a risky maneuver from the PCG vessel's starboard quarter, leading to the impact with the PLA Navy warship. This resulted in substantial damage to the CCG vessel's forecastle, rendering it unseaworthy," saad ni Tarriela.

Sa kabila nito, inihayag din ni Tarriela na tinulungan pa rin daw ng tropa ng PCG ang sakay ng nasabing mga barko, partikular na sa medical aid.

"Following the collision, the PCG immediately offered support, including assistance with man-overboard recovery and medical aid for any injured CCG crew members," giit ni Tarriela.

Bunsod nito, tuluyan ding naihatid ng PCG ang supplies sa mga Pilipinong mangingisda at ligtas na nasagawa ang naturang misyon.

Nagpahayag din ng manipestasyon si Tarriela tungkol sa mas ligtas na paglalayag at hiniling ang kagalingan sa mga miyembro ng CCG na nadamay sa insidente.

"The Philippine Coast Guard reaffirms its dedication to safeguarding all maritime operations in the area and wishes for the swift recovery and proper treatment of any affected CCG personnel," aniya.