December 13, 2025

Home BALITA

Torre, ikinatuwa pagtaas ng ratings ng PNP: 'We will work even harder!'

Torre, ikinatuwa pagtaas ng ratings ng PNP: 'We will work even harder!'
Photo courtesy: screenshot PNP

Ikinatuwa ni Philippine National Police (PNP) Chief Nicolas Torre III ang pagtaas ng ratings ng PNP sa pinakabagong OCTA Research survey.

Sa kaniyang press briefing nitong Lunes, Agosto 11, 2025, iginiit ni Torre na mas pagbubutihan pa raw ng kanilang ahensya ang kanilang pagseserbisyo sa taumbayan.

"We will work even harder to sustain and further improve public trust and confidence," ani Torre.

Batay sa naturang survey result, nasa 71% ang trust rating na nakuha ng PNP, mas mataas ng 9 na puntos noong nakaraang survey ng OCTA habang nasa 73% naman ang nakuha nila sa performance rating na tumaas ng 11 puntos kumpara pa rin sa nakaaran nilang survey.

National

'Admin, Duterte group, liberal groups dapat magkaisa para sugpuin korapsyon!'—Ex-PNR Chair Macapagal

Sa ilalim ng liderato ni Torre, magmula nang hawakan niya ang PNP bilang hepe, marami siyang ipinatupad na programa katulad na lamang ng 5-minute response sa pamamagitan ng 911 hotline.

Tinatayang nasa 19 na pulis na rin ang nasibak sa puwesto sa unang buwan ng kaniyang pagiging PNP Chief.

KAUGNAY NA BALITA: ‘Lagot!’ 19 na pulis, sibak sa puwesto sa unang buwan ni PNP Chief Torre

Matatandaang noong Hunyo 2 nang itinalaga si Torre bilang bagong hepe ng PNP. Siya ang ika-31 PNP Chief at ikaapat naman sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. 

KAUGNAY NA BALITA: Torre, 'umusok' phone dahil sa mga natanggap na suporta bilang PNP Chief