Bahagyang ipinasilip ng batikang aktres na si Sylvia Sanchez ang larawan ng apo niya sa mag-asawang sina Zanjoe Marudo at Ria Atayde.
Sa isang Instagram post kasi ni Sylvia kamakailan, ibinahagi niya ang larawan ng kanang braso nina Zanjoe at baby nito na parehong may bálat.
"Hindi lang magkamukha! Magkabirthmark pa!!! Love you both " saad ni Sylvia sa caption.
Umani tuloy ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang nasabing post. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:
"Akala ko sa movie lang meron ganun. Yung son nahiwalay sa Tatay nya, nalaman dahil lang sa pareho ang birthmark. Amazing!"
"Ang mestizoooo"
"Kamukha ni Lolo Art sa side si baby! "
"Kami din ng anak kung babaeparehong may nunal sa braso at may birt mark na red"
"Mestisong version ni Z si Baby so cute"
"Wow. D maipagkakaila. Mag ama"
"excited for the face reveal soon"
"sa Chinese drama ko lang napapanood Yung namamana ang same birthmark ,same placeang galing naman nangyayari pala talaga sa totoong buhayang galing naman"
Hanggang ngayon ay hindi pa rin ipinapakita ni Zanjoe sa social media ang mukha ng anak nila ni Ria simula nang isilang nila ito.
Matatandaang Setyembre 2024 nang ianunsiyo ni Zanjoe sa pamamagitan ng isang Facebook post ang panganganak ni Ria.
MAKI-BALITA: Ria Atayde, isinilang na panganay nila ni Zanjoe Marudo
Gayunman, nilinaw ni Zanjoe sa isang panayam na hindi raw nila kailanman itinago ang kanilang baby.
In fact, kapag lumalabas sila at gumagala sa mall, ipinapasilip daw niya ang anak sa fans o sa mga kaibigang gustong makakita.
Ayon kay Zanjoe, “Kapag may kaibigan akong nakita o fans or ano, ‘Uy, kumusta baby mo? Patingin naman. Pinapakita ko sa kanila. Hindi ko siya tinatago.”
Hindi na rin daw kailangan pang pakiusapan ni Zanjoe na huwag kukunan ng larawan o video ang anak niya. Mas nirerespeto raw kasi ng mga tao kapag pinapayagan niyang makita nila ang bata.
MAKI-BALITA: Zanjoe Marudo, never itinago ang anak sa mata ng publiko