December 12, 2025

Home BALITA National

'Sumbong sa Pangulo' flood control tracker, inilunsad ni PBBM: 'Ako mismo ang babasa!'

'Sumbong sa Pangulo' flood control tracker, inilunsad ni PBBM: 'Ako mismo ang babasa!'
Photo courtesy: Screengrab RTVM

Ibinida ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. ang isang website na maaaring pagsumbungan ng taumbayan hinggil sa anomalya ng flood control project sa kani-kanilang lugar.

Nitong Lunes, Agosto 11, 2025, inilunsad ni PBBM ang “Sumbong sa Pangulo” website na maaaring magamit ng taumbayan upang direktang maiparating sa Pangulo ang sumbong sa mapapansin nilang kapalpakan sa nasabing proyekto.

“Ang isusulat ninyo sa report [sa website], ako mismo ang babasa. ‘Yan ang asahan ninyo, babasahin ko ang bawat isa," anang Pangulo.

Paglilinaw pa ng Pangulo, kung sakaling na may masasangkot sa anomalya na kaniyang kaalyado, mas pakikinggan pa rin daw niya ang taumbayan.

National

Middle forces, Marcos bloc kailangang magkaisa para 'di manalo Duterte bloc sa 2028—Antonio Trillanes

"It might be a little painful baka masangkot diyan yung mga tao na malapit sa atin. Ngunit, kahit malapit naman siguro sa puso natin yung taumbayan kaya't sila ang uunahin natin," anang Pangulo.

Matatandaang noong nakaraang ikaapat na State of the Nation Address (SONA), nauna na niyang kastiguhin ang mga korap na nanghimasok sa flood control project.

“Mahiya naman kayo sa mga kabahayan nating naanod o nalubog sa mga pagbaha. Mahiya naman kayo lalo sa mga anak natin na magmamana sa mga utang na ginawa ninyo! Na ibinulsa n'yo lang ang pera!” saad niya.

KAUGNAY NA BALITA: PBBM, sinupalpal mga korap sa flood control project: 'Mahiya naman kayo!'