December 12, 2025

Home BALITA

Philippine Medical Association, kinondena umano’y pamamahiya ni Ramon Tulfo

Philippine Medical Association, kinondena umano’y pamamahiya ni Ramon Tulfo
Photo Courtesy: PMA, Ramon Tulfo (FB)

Naglabas ng pahayag ang Philippine Medical Association (PMA) ang mamamahayag na si Ramon Tulfo dahil sa ginawa umano nitong pamamahiya sa isang doktor.

Matatandaang sa isang Facebook post ni Tulfo kamakailan ay kinuwestiyon niya ang kawalan ng konsiderasyon ng isang espesyalista sa Philippine Heart Center.

Ito ay matapos hindi makalabas ng ospital ang nanay ng kaibigan niya dahil sa sinisingil umanong ₱85,000 ng espesyalistang humahawak sa kaso nito.

“Ang nanay ng kaibigan ko na si Philip Gabas ay di makalabas ng Heart Center dahil sinisingil sila ng P85,000 ni Ribu,” saad ni Tulfo.

Bato, masayang nakita ang apo

“Bakit naman ganoon kalaki ang bayad sa ospital at mga doktor? Maawa ka naman, Doc!”

Kaya naman sa pahayag ng PMA noong Linggo, Agosto 11, binuweltahan ng asosasyon si Tulfo para kondenahin ang post nito.

Anila, “The Philippine Medical Association condemns the recent viral post on social media publicly shaming a Surgeon Physician.”

“Professional fees for doctors can vary based on several factors,” pagpapatuloy ng PMA, “including the complexity and type of service rendered and the level of expertise of the physician handling the case.” 

Dagdag pa ng asosasyon, “Each doctor has the right to determine the worth of his services rendered, guided by a common relative value scale followed in the Philippines. Based on accounts on services rendered to the patient mentioned in the case, the hospital charges and professional fees were within acceptable limits of ethical practice.”

Sa huli, nanawagan ang PMA na ituon ang atensyon sa pagtataguyod ng kapaligirang sumusuporta at rumerespeto sa lahat ng health care professionals na may mahalagang gampanin sa buhay ng bawat tao.

“You were treated and saved from near death to good health, ready for discharge, and you repay their kindness with public shaming!” pahabol pa nila.