January 08, 2026

Home FEATURES Human-Interest

‘Kuya, wag mo ‘kong papamigay!’ Chikahan ng jeepney driver at ‘passenger princess,’ kinaaliwan

‘Kuya, wag mo ‘kong papamigay!’ Chikahan ng jeepney driver at ‘passenger princess,’ kinaaliwan
Photo courtesy: yomami.tsunade (TikTok)

Ang pagpapalipat sa ibang jeep ang isa sa mga puwedeng maranasan ng karaniwang jeepney commuter sa bansa, kung saan, “pinamimigay” ng isang tsuper ang pasahero dahil magi-iba na ito ng ruta o naka-boundary na.

Kung kaya’t kinagiliwan ng netizens ang nag-viral na social media reel ng isang babaeng paseherong nag-feeling “passenger princess” na kuwelang nakipagbiruan sa tsuper ng sinakyang jeepney noong Miyerkules, Agosto 6. 

Ang nasabing viral TikTok reel ay umani ng mahigit 3 million views kung saan, ang netizen na si Marya Bernal ay pabirong nag-video kasama ang jeepney driver bilang nag-iisang pasahero papunta sa kaniyang duty sa National Children’s Hospital sa Quezon City. 

Makikita sa video na pabirong nakikiusap si Bernal sa tsuper na wag itong ipamimigay dahil nag-iisa lamang itong pasahero mula sa Cubao, kung saan, pabiro rin namang sumagot ang tsuper na hindi niya ito ipamimigay sa ibang jeep. 

Human-Interest

'Hangga't buhay, may pag-asa!' 59-anyos na lalaki, pumasa sa Bar Exams matapos 11th attempt

“Hindi kita ibibigay, akin ka lang. Ako bahala sa’yo, Ma’am,” pagsakay ng tsuper sa biruan. 

Kasama rin sa kanilang nakatutuwang pagpapalitan ay ang pagba-barter ni Bernal para magtawag ng pasahero at pagkuha ng tsuper ng iba pa nitong signboards habang nasa kalagitnaan ng biyahe. 

Sa eksklusibong panayam ng Balita kay Bernal, nag-click daw agad pakikipaghuntahan sa driver dahil parehas silang social butterfly. 

“Sinakay ako ni Kuya sa jeep no’n around Cubao and randomly nag-TikTok lang ako kasi gusto ko gawin yung “who was interested first” trend then ayun after no’ng TikTok ko na ‘yon nagchikahan lang kami ni kuya driver. Very social butterfly din siya kaya click lang for byahe convo with a stranger,” pagbabahagi nito sa panayam. 

At dahil dito, tila tuwang-tuwa na nag-iwan ng komento ang mga netizen, habang ang iba nama’y nakuha rin magbahagi ng kanilang commuter experience sa comment section. 

“As a commuter na laging pinapamigay, maglalakas-loob na ko, gagawin ko to next time hahahaha!”

“Parang mag ama eh HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA ”

“Passenger princess literal atake mo dyan atteco”

“Kaming mga lalaki di rin naman pinapalipat, pero biglang binabalik yung pamasahe sabay sabing ‘baba ka na lang boy, kakaen na ko eh’ ”

“SOCIAL ANXIETY IS SCARED OF U!!!! HAHAHAHAHA."

Sean Antonio/BALITA