Tila hindi lang pala si Queen of All Media Kris Aquino ang nagdurusa sa pumapalya niyang kalusugan.
Sa latest Instagram post kasi ni Kris nitong Lunes, Agosto 11, ibinahagi niya ang dahilan bakit wala ang anak niyang si Josh sa video na ibinahagi niya matapos niyang ianunsiyo na lilipat siyang Tarlac mula sa private resort na tinuluyan niya sa loob ng halos dalawang buwan.
MAKI-BALITA: Hirap tanggapin ni Kris sa pagtulog gabi-gabi: ‘There may be no tomorrow for!’
[W]here is kuya? Since the deaths of his Lola Cory, Lola P, and tito Noy, seeing me frail, weak, often attached to my IV drip- kuya is traumatized, visibly shaking, repeating ‘mama get well, i love you…’[F]or now he’s living with my genuinely super loving cousin,” lahad ni Kris.
Samantala, si Bimby naman na ngayon ay 18-anyos na, ang lubos na nagsasakripisyo para siya ay maalagaan.
Aniya, “He is heaven’s gift, my optimistic adult who reminds me I should never surrender.”
Matatandaang minsan nang binigyan ni Kris ng pagpapahalaga ang pagmamahal na ipinaparamdam ni Bimby sa kaniya sa pamamagitan ng isa ring social media post noong Marso.
Ayon kay Kris, tinitiis daw niya ang bawat sakit na nararamdaman na bahagi na ng araw-araw niyang buhay dahil ang pagmamahal ng isang anak ay walang katumbas.
MAKI-BALITA: Kris kay Bimby: 'Ang pagmamahal ng anak ay walang katumbas'
Sa huli, umapela sa publiko ng panalangin ang Queen of All Media para sa mga test at treatment na isasagawa sa kaniya.