December 14, 2025

Home SHOWBIZ

Hirap tanggapin ni Kris sa pagtulog gabi-gabi: ‘There may be no tomorrow for me!’

Hirap tanggapin ni Kris sa pagtulog gabi-gabi: ‘There may be no tomorrow for me!’
Photo Courtesy: Kris Aquino (IG)

Nakatakdang lumipat si Queen of All Media Kris Aquino sa Tarlac matapos niyang manatili sa isang private resort na pagmamay-ari umano ng isang mabuting pamilya.

Sa latest Instagram post ni Kris nitong Lunes, Agosto 11, muli siyang nagbigay ng update patungkol sa kalagayan ng kaniyang kalusugan.

“On purpose matagal akong hindi nag upload. I have to admit if I told you what was happening, some of you may stop praying because my autoimmune diseases were increasing in number & my life threatening ailments needed me to make a brave choice,” lahad ni Kris.

Dagdag pa niya, “Trust me, it’s difficult to accept every night when I sleep that there may be no tomorrow for me.”

Relasyon at Hiwalayan

‘Totoo na!’ Kiray Celis, kinasal na!

Ayon sa Queen of All Media, sa halos dalawang buwan niyang pananatili sa isang pribadong resort, lilipat naman siya ngayon sa compound nila sa Tarlac.

“I’ll live in our compound in Tarlac; my Cojuangco cousins and I fondly call it Alto,” sabi ni Kris.

Matatandaang sa huling health update na isinapubliko niya noong Hulyo ay ipinabatid niya sa publiko na umabot na sa labing-isa ang sakit niya matapos itong madagdagan ng dalawa pa.

MAKI-BALITA: Labing-isa na! Kris Aquino, nadagdagan ng dalawang sakit