December 14, 2025

Home BALITA National

GOCC subsidy mula sa pamahalaan, bumulusok ng halos 27%

GOCC subsidy mula sa pamahalaan, bumulusok ng halos 27%
Photo courtesy: Bureau of Treasury/FB

Natapyasan ng 26.68% ang suportang natanggap ng mga Government-Owned and -Controlled Corporations (GOCCs) mula sa pambansang pamahalaan noong Hunyo 2025, batay sa ulat ng Bureau of Treasury.

Sa ulat ng Radyo Pilipinas, nagpakawala ang BTr ng humigit-kumulang ₱7.45 bilyong budget para sa mga GOCC noong Hunyo 2025, mas mababa ng ₱2.71 bilyon kumpara noong Hunyo 2024.

Ang mga GOCC ay mga institusyong tumatanggap ng subsidiya mula sa gobyerno ng bansa upang buuin ang kinakailangang budget nito upang magbigay ng serbisyo sa mga Pilipino.

Natanggap ng National Food Authority (NFA) ang pinakamalaking pondo sa lahat ng GOCCs sa bansa noong Hunyo. Nakapagtala ang kagawaran ng halos ₱3.43 bilyong budget o 46.07 porsyento ng kabuuang GOCC subsidy.

National

'Hoy DTI, gising kayo!' Sen. Imee, naghain ng makatotohanang Noche Buena

Sinundan naman ito ng National Irrigation Administration (NIA) na nakakuha ng ₱2.39 bilyon, at ng Philippine Fisheries Development Authority na mayroon namang ₱268 milyong budget.

Ilan din sa mga institusyong nakatanggap ng GOCCs subsidy ay ang Philippine Heart Center na may ₱184 milyong pondo, Philippine Coconut Authority na may ₱165 milyon, ₱124 milyon para sa National Kidney and Transplant Institute, ₱114 milyon sa Philippine Children’s Medical Center, at sa National Power Corporation na nakakuha ng ₱106 milyong subsidiya.

Masasabing mapalad ang mga kagawaran at institusyong nakalikom ng budget, sapagkat may ilan ding GOCCs na walang natanggap na monetary fund.

Mga GOCC na walang nakuhang pondo:

- Land Bank of the Philippines

- Small Business Corp.

- National Electrification Administration

- National Housing Authority

- Bases Conversion Development Authority

- IBC-13

- Philippine Crop Insurance Corp.

- Power Sector Assets and Liabilities Management Corp.

- Tourism Infrastructure

- Enterprise Zone Authority, at Tourism Promotions Board.

Kinumpirma naman ng Department of Finance na matagumpay nang nakalikom ang kagawaran ng ₱105 bilyon mula sa GOCC dividends hanggang noong Hulyo 2025.

Vincent Gutierrez/BALITA