Binuweltahan ng batikang showbiz columnist na si Cristy Fermin ang hirit na binitawan ni Unkabogable Star Vice Ganda sa "Super Divas" concert.
Habang nakikipag-interact kasi sa audience si Vice ay naispatan niya ang kaibigang sina Lassy at MC Muah na nanonood sa kaniya.
“So you made it,” sey ni Vice Ganda sa dalawa.
Pambubuska pa niya, “Bakit kayo nandito? Magagalit si Cristy Fermin! Akala nila magkakaaway tayo, sisirain ninyo ‘yong narrative. Mawawalan sila ng content.”
Kaya sa latest episode ng “Cristy Ferminute” nitong Lunes, Agosto 11, pinabulaanan niyang nag-iimbento lang umano siya ng kuwento.
“Anong content? Ano? Inimbento namin ‘yong kuwento? Hindi kami nag-iimbento ng kuwento. May binasa kami. Alam mo ‘yan, MC!” saad ni Cristy.
Dagdag pa niya, “Naku, ha! ‘Wag na kayong mag-utuan. At ‘wag n’yo kaming gamitin.”
Nag-ugat ang isyu sa pagitan ng magkaibigang MC at Vice isang episode ng vlog ng huli noong Mayo.
Kinompronta ni Vice si MC dahil hindi umano marunong makisama habang sila ay nagbabakasyon sa Palawan.
MAKI-BALITA: Vice Ganda nabuwisit kay MC: ‘Hindi marunong makisama!’
Ilang araw matapos nito, sumawsaw si Cristy upang magbigay ng reaksiyon dahil sa ginawang ito ni Vice kay MC.
Aniya, “Masyado akong naapektuhan para kay MC,’yong pagluha niya, ‘yong paghagulhol niya.”
MAKI-BALITA: Cristy Fermin, apektado sa 'pamamahiya' ni Vice Ganda kay MC Muah