Pinuri ni Akbayan Party-list Rep. Perci Cendaña si Unkabogable star Vice Ganda dahil sa "jet ski holiday" joke nito na naka-offend umano sa mga pro-Duterte.
"Speaking truth to power is most potent when it makes people laugh. lbig sabihin tagos na tagos," saad ni Cendaña sa isang Facebook post nitong Linggo ng gabi, Agosto 10.
"Mabuhay ka Meme Vice Ganda, salamat sa paninindigan. #Jetski," dagdag pa niya.
Inulan ng kritisismo mula sa netizens, lalo na ang mga tagasuporta ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, si Vice Ganda dahil sa mga naging hirit niya sa dating pangulo, sa pamamagitan ng isang stint sa "Super Diva" concert nila ni Asia's Songbird Regine Velasquez-Alcasid.
Sa isang parody gamit ang sikat na background music sa TikTok na "Jet2 Holiday," tila binanatan ni Vice ang kontrobersyal na “Jet Ski promise” ni Duterte noon patungkol sa West Philippine Sea.
“Nothing beats a jet ski holiday, right now from Manila to the West Philippine Sea via jetski. Get unlimited water bombing from Chinese vessels and a free trip to The Hague by the ICC. Promo applies to DDS only. Pinklawans and BBMs are prohibited," ani Vice Ganda.
"Huwag niyo akong subukan, mga p***** i** niyo!" aniya pa.
Ayon sa netizens hindi raw dapat ginagawang katatawanan ang dating pangulo, lalo na at nasa "lowest point" siya ngayon ng kaniyang buhay.
BASAHIN: Vice Ganda, binanatan ng Duterte supporters dahil sa paandar sa concert
Kasalukuyan pa ring nakakulong sa detention facility ng International Criminal Court (ICC) ang dating pangulo dahil sa kasong "crimes against humanity."
Ang ICC ay nasa The Hague, Netherlands.
KAUGNAY NA BALITA: TIMELINE: Mula pag-implementa ng drug war, pag-imbestiga ng ICC, hanggang pag-aresto kay FPRRD