Nawindang umano si Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition 4th Big Placer River Joseph nang matuklasan niya ang kumalat na compilation ng bakat niyang “lapel” sa suot niyang gray pants noong nasa loob siya ng Bahay ni Kuya.
Sa latest episode kasi ng vlog ni showbiz insider Ogie Diaz noong Sabado, Agosto 9, inusisa si River kung ano ang mga nabasa niyang nagdulot sa kaniya ng shock matapos lumabas sa PBB house.
“Actually ‘di ako masyadong nag-scroll noong lumabas ako,” lahad ni River. “Sabi ng pamilya ko, ‘wag munang mag-Twitter [at] mag-social media masyado.”
“Pero siguro nagulat ako sa gray pants. Kasi ‘yong mga housemate naman, ‘di naman nila ako sinabihan na [bumabakat na pala] . May compilation na ng gray pants. Kitang-kita talaga ‘yong ano,” dugtong pa niya.
Matatandaang minsan nang binuking si River ng kapuwa niya housemate na si Klarisse De Guzman bilang daks sa mga lalaking nasa loob ng Bahay ni Kuya.
Sabi ni Klarisse, [I]naasar namin siya, ang tawag nga namin 'Oh 'yong lapel mo... 'Oh 'yong lapel mo' gano'n tapos tatawa siya, tatakpan niya.”
MAKI-BALITA: Buking ni Klang: River 'daks' sa PBB boys, bakat 'lapel' sa gray pants
Isa si River sa mga housemate na pinag-usapan dahil napansin ng ilang netizens na kamukha umano siya ng Kapamilya artist na si JM De Guzman.
MAKI-BALITA: Kahit hindi housemate: JM De Guzman trending dahil sa PBB