December 12, 2025

Home SHOWBIZ

Piolo, wasak ang puso sa pagkikita nina Hyun Bin at Charo

Piolo, wasak ang puso sa pagkikita nina Hyun Bin at Charo
Photo Courtesy: Piolo Pascual, Charo Santos (IG)

Maging si Ultimate Heartthrob Piolo Pascual ay naghayag ng reaksiyon sa pagkikita nina dating ABS-CBN president Charo Santos at South Korean star Hyun Bin.

Sa latest Instagram post kasi ni Charo noong Sabado, Agosto 9, ibinahagi niya ang video ng pagkikita nila ni Hyun Bin sa ginanap na meet and greet sa Filipino fans nito sa Solaire Resort Entertainment City.

“Crash landed into this moment! I’m so happy to finally meet you Hyunbin! #Hyunbin #CharoSantos,” saad ni Charo sa caption.

Komento tuloy ni Piolo, “"

'Dropping in from the top of the world!' Sandro Muhlach, world record holder na

Ngunit inalo naman ni Charo ang sugatang puso ng aktor. Tinugon niya ang komento nito.

“I LOVE YOU, PIOLOOOO! ” anang dating ABS-CBN president.

Matatandaang kinantiyawan din ni Unkabogable star Vice Ganda si Charo matapos nitong makita si Hyun Bin sa malapitan.

Sabi ni Vice, “Dear Charo, Balita ko ay gabing gabi ka na naman umuwi. At namataan kang kilig na kilig na may halong padyak dahil sa kakisigan ng lalaking yan.”

MAKI-BALITA: Vice Ganda kay Charo Santos matapos ma-meet si Hyun Bin: ‘Gabing-gabi ka na naman umuwi!’

Ito ang kauna-unahang pagkakataong bumisita si Hyun Bin sa Pilipinas para sa meet and greet sa mga Pilipinong tagasuporta nito.

Ayon sa kaniya, matagal na raw talaga niyang planong pumunta sa bansa. At sa paglapag niya nga sa Solaire, inakala raw niyang isa lamang itong karaniwang resort tulad ng marami. 

Ngunit aniya, "It's a place that we can make experiences, or make memories. And I always thought that would let more people know about the Solaire Resort World, a place for people to experience as well, and also witness these kinds of amazing things.”

Nakilala si Hyun Bin sa mga KDrama tulad ng “Secret Garden,” “Memories of the Alhambra,” at “Crash Landing on You.”

MAKI-BALITA: Hyun Bin, gagawa ng mas maraming proyekto para sa Pinoy fans