January 24, 2026

Home BALITA National

PBBM sa foreign policy ng Pilipinas: 'Wala naman talaga tayong kinakalaban'

PBBM sa foreign policy ng Pilipinas: 'Wala naman talaga tayong kinakalaban'
Photo courtesy: screenshot from PCO

Kumbinsido si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., na wala umanong kinakalabang bansa ang Pilipinas pagdating sa foreign policy nito.

Sa clip ng BBM Podcast na ibinahagi ng Presidential Communications Office (PCO) noong Sabado, Agosto 10, 2025, nilinaw ni PBBM ang posisyon umano ng Pilipinas sa pakikipagrelasyon sa iba pang bansa.

“Wala naman talaga tayong kinakalaban eh. Lahat naman kinakaibigan natin,” ani PBBM.

Paglilinaw pa niya, “Pero, ipagtatanggol natin ang soberanya ng Pilipinas. Ipagtatanggol natin ang teritoryo ng Pilipinas. You can do both. You don’t have to choose one or the other. Ganiyan ang ating posisyon.”

National

Sen. Estrada sa ₱800 wage hike ng mga kasambahay: 'A great help'

Matatandaang sa kabila ng sigalot na mga napauulat sa pagitan ng tropa ng Chinese Coast Guard (CCG) at Philippine Coast Guard (PCG) sa West Philippine Sea (WPS), iginiit ng Pangulo sa kaniyang nakaraang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) na ang Pilipinas raw ay “a friend to all and an enemy to none.” 

Kaugnay pa rin ng relasyon ng China at Pilipinas tungkol sa WPS, sagot ng Pangulo, “Continuing to defend strongly our territory is not mutually exclusive from being a friend to all and an enemy of none.”