Pumalag si Deputy Speaker Janette Garin sa mga pilit umanong nag-uugnay ng isyu ng flood control project sa pagtaas daw ng kaso ng leptospirosis sa bansa.
Ayon kay Garing, pawang pamumulitika lamang daw ang pag-uugnay ng nasabing proyekto ng PBBM admin sa crisis ng leptospirosis.
"Pamumulitika yung nili-link sa flood control projects eh," ani Garin.
Saad pa ni Garin, ang paglala raw ng kaso ng leptospirosis sa bansa ay bunsod ng palpak na paghawak umano ng pondo sa sektor ng kalusugan.
"If you ask me, it’s a failure ng communication and it’s a failure of implementation because the budget is there, the medicines are there, napakamura ng doxycycline pero hindi nagamit nang maayos,” aniya.
Bilang dating kalihim ng Department of Health (DOH), pinuna rin ni Garin ang serbisyong ibinibigay raw ng nasabing kagawaran.
"We have to walk the talk. Pasensya na ha, minsan kasi ang nakikita ko, lip service lang ang nangyayari sa ahensya ng kalusugan," saad ni Garin.
Ayon sa kasalukuyang datos ng DOH, nasa 2,396 na ang kanilang naitala na tinamaan ng leptospirosis mula noong Hunyo 8 hanggang noong Agosto 7, 2925.